Name ng banda, gusto raw angkinin… NETIZENS KINA KEAN AT CHYNNA: SAKIM!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 28, 2022

Lumalala ang hidwaan ng Callalily band members na balitang disbanded na ngayon. Parang mag-jowa kung magsagutan sila sa social media.
May post ang vocalist-singer na si Kean na umano'y sagot daw niya sa post ng bandmate na si Lem Belaro.
Ani Kean, "Don't waste your time with explanations. People would only hear what they want to hear."
May kumakampi kay Kean, pero mas marami ang hindi.
Anila, "I’m with Kean on this. Pansin n'yo, wala siyang kakampi. It seems like pinagkakaisahan siya."
"Yes, pansin ko rin, wala siyang kakampi. Lahat, pati mga sikat na personalities, on side nu'ng mga bandmates niya. Parang asawa lang niya ang kakampi niya at mga empleyado. Kawawang Kean. Why kaya?"
"Eh, siya ang umalis and blindsided his bandmates."
"Paano naman may kakampi sa kanya, eh, gusto niyang angkinin ang buong banda? 'Di lang naman siya naghirap du'n."
"Kung magso-solo siya, umalis na lang sana siya, hindi 'yung siya lang ang may ayaw, eh, disband na at inangkin pa name? 'Di naman siya composer at writer ng songs, at 'di lang siya nag-isip ng name. Tapos, gusto nila, under his label 'yung CL, sabi ni Chynna? Ano, para for life, may cut sila?"
May nagtatanong naman na baka gipit lang daw ang mag-asawa.
"Wow Kean and Chynna, magandang format ng business 'yan. Gipit? Lol."
"Wow ha! Nakakaawa kasi walang kumakampi? Baka rin pinagkakaisahan? Nasa news naman kung ano'ng issue nila. Magbasa at manood ka kaya! Yabang pa ng kakampihan mo na nagpaparinig na wala naman daw interest ang mga tao sa dati niyang band mate. At feeling niya, siya lang ang pakikinggan ng publiko dahil siya ang pinakakilala.
"Ano kasi ang dahilan na ipina-copyright mo ang name ng banda sa pangalan mo lang na hindi nila alam? Baka magso-solo ka na gamit ay 'yung name na kinuha mo? If not, talagang may balak kang hindi maganda. 'Kala ko before, matino ang asawa mo at siya nakapagbago sa 'yo."
"Kung may right naman sila legally, why not? Ganyan talaga ang business."
"Akala ko, mga jowang nagbe-break lang ang may pa-ganito. Pati pala, mga rakista, LOL!"
"Of course. Kasi may karapatan silang ipinaglalaban. Mas may sense pa nga 'to kesa sa breakups."
"Obviously, yes. Hahaha! Paano pa makikinig sa 'yo, Kean, eh, pailalim ka naman pala tumira? Du'n pa lang sa registering the trademark without them knowing (if true man), eh, waley ka na agad-agad. Bale sige na, intellectual property mo na raw 'yung name ng band pero 'yung songs, sa kanila 'yun since sila composer nu'n, unless kung pati 'yun ay aangkinin mo."
May nagsasabi namang puwede raw magdemanda ang mga kagrupo ni Kean laban sa kanya.
"They can still file a case against him dahil pailalim ang pagkuha ni Kean (and his camp) sa copyrights ng mga songs nila in which hindi naman pala siya ang totoong gumawa. Marami ring evidences against Kean dahil nu'ng nag-uumpisa pa lang ang band nila, ilang beses sinabi ni Kean na ang mga ka-bandmate niya ang gumagawa ng kanta para sa band nila."
"I think 'yung name lang ng Callalily ang kanya? Kasi if inaangkin niya rin 'yung mga songs, then ibang usapan na 'yun at for sure, lalabanan 'yan legally ng mga kabanda niya. Lalo na't 'yung mga hit songs nila ay hindi siya ang gumawa. At kung ganyan talaga ang case, eh, it just shows how greedy he is.
"Or puwedeng ganu'n nga pero hinayaan na lang ng mga kabanda niya since 'di rin naman kay Kean mapupunta ang royalties?"
"Sorry, pero parang ang greedy naman niya sa part na pati name, ayaw ipagamit."
"Kahit anong haba ng explanation mo, it does not justify what you did. Sinamsam mo ang CL trademark without telling your bandmates, then nu'ng feel mo na umalis ng band imbes na ipaubaya na lang sa kanila 'yung pangalan para quits kayo, eh, sinubukan mo pa siguro sila i-extort at nu'ng ayaw nilang kumagat, eh, tinangay mo na lang 'yung name. In other words, you used legal means to stab your bandmates in the back. Suwapang ka lang."
"On point. Sobrang ganid nilang mag-asawa. May pa-progressive growth emz pang nalalaman. Naku, naku, ang mga mapanglamang na tao ay hindi pinagpapala."
"Akala ni Chynna, if she uses sophisticated words, mababaligtad nila 'yung kuwento. 'Kean did not leave CL, he left the format of the band.' Ibig sabihin, solong pakikinabangan ni Kean 'yung rights to CL name na pailalim niyang inangkin from his bandmates.
"'We wanted to license the name to them but they did not understand what that meant. They still have years to learn how music business works' — So balak n'yo pa silang singilin to use the CL name. Sino naman ang hindi maiinsulto nu'n? Tapos ipamumukha mo pang tanga sila for supposedly not understanding how this works? Kapal to the max."
"Kahit noon pa na binata 'yang si Kean, eh, napakaangas na niyan. Akala mo nman, kung sinong guwapo, sussss."





Comments