top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Nambastos habang nasa stage ng university… MICHAEL SA 22-ANYOS NA COLLEGE STUDENT: GAWA TAYO NG BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 17, 2023



Viral ngayon ang isang post tungkol sa diumano'y malaswang komento ni Michael ‘Khel’ Pangilinan habang kausap ang isang estudyante noong Miyerkules nang gabi sa isang benefit concert ng kilalang unibersidad.


Isa ang singer sa mga artists na imbitadong mag-perform para sa nasabing concert.


Base sa naturang post, bago kumanta si Pangilinan on-stage, nagpaakyat umano ito ng isang estudyanteng single, at naghayag ng mga salitang “Sino rito (ang) over 18 (yrs. old)” at “Para makagawa tayo ng baby.”


Nagtanong pa umano si Khel kung hahalikan ba niya ang estudyante, eh, hindi ba magagalit ang magulang nito. Pagkatapos ay hiningi rin umano ng singer ang number ng estudyante.


Ikinagalit ng mga netizens ang naturang pahayag ng singer dahil siya ay nasa university ground at wala umano sa bar.


Bagama't 22-anyos na ang estudyanteng kausap on-stage ni Khel, hindi umano ito acceptable at ‘disrespectful’ sa kababaihan, lalo na’t kasalukuyang ipinagdiriwang ang Women’s Month.


Sinasabing panimula umano ng singer ang nasabing statement para sa kantang I’ll Make Love To You.


Samu’t saring komento ng mga netizens ang lumitaw dahil sa pahayag ng singer.


Sabi ng isa, “There’s a lot of ways to have an opening speech before singing a song and Michael Pangilinan literally choose to disrespect women.”


Dagdag pa ng isa, “Sana next time, kung magpe-perform ka, Michael Pangilinan, kumanta ka na lang at 'di kung anu-ano ang sinasabi mo!”


May estudyante namang nagbanggit ng "safe space act" na inilulunsad sa unibersidad, “The university has a safe space act, which means all of us are protected from any kind of kabastusan!


At sa school ka nagpe-perform, hindi sa kung ano'ng music fest. 'Yung joke mo or whatever dump you spouted on that stage tonight was disgusting!”


Bukas ang pahayagang BULGAR para sa panig ni Michael Pangilinan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page