ni Ambet Nabus @Let's See | December 13, 2023
Nai-serve na nga ang demand letter ni 'Nay Cristy Fermin kay Mr. John Soberano, ama ni Hope "Liza" Soberano, tungkol sa nai-post nitong pag-aglahi kina 'Nay Cristy at Mama Ogie Diaz.
Nangyari raw itong lahat noong kasagsagan ng hiwalayang KathNiel, pero burado na ito sa naturang socmed account ng tatay ni Liza.
Medyo nahimasmasan yata ang ama ng aktres sa kanyang ginawa lalo't may mga tao siyang hindi na niya dapat idamay, pero nilait-lait at minura-mura rin niya gaya ng butihin at namapaya nang magulang ni 'Nay Cristy.
Ang tsika pa, after nitong matanggap ang demand letter, sinubukan daw ni G. Soberano na hingin ang number ni 'Nay Cristy sa abogadong si Atty. Ferdie Topacio para makahingi ito ng dispensa at patawad, pero isang malaking "AYOKO" ang isinagot ng ating kasamahan sa hanapbuhay.
Sey pa ni 'Nay Cristy, "Kung saan niya ako minura, doon siya dapat mag-public apology."
Comentarios