top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namatay ang anak na NPA ni Cong. Cullamat...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2020
  • 2 min read

Militar, may dahilan na para i-red tag ang Makabayan bloc, period!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 2, 2020



HIRIT NG DTI NA MAKAPASOK SA MALL ANG MGA BATA, SABLAY—Hinirit ni DTI Sec. Ramon Lopez sa IATF (Inter-Agency Task Force) na payagan na ang mga batang edad 7 pataas na makapasok sa mall kasama ang kanilang guardians bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na palakasin ang ekonomiya ng bansa.


Sablay ‘yan! Mantakin n’yo, pinagbabawalang pumasok sa iskul ang mga estudyante kaya nagpairal ng no face-to-face classes ang DepEd para hindi mahawa ng virus, tapos hahayaan silang gumala? Buwisit!


◘◘◘


MARAMI PA RING PASAWAY SA MGA LUGAR NA NAKA-GCQ—Inaprub ni P-Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isailalim pa rin sa GCQ (General Community Quarantine) hanggang December 31, 2020 ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City at Davao City


Sa totoo lang, kahit nasa GCQ ang mga lugar na ‘yan ay parang wala ring silbi dahil hindi naman nasusunod ang mga health protocols, dahil ang dami pa ring pasaway sa social distancing, period!


◘◘◘


KAPAG HINDI NATIGIL ANG MGA RAKET NA DROP BALLS AT COLOR GAMES, BAKA MA-GCQ NA RIN ANG BAGUIO CITY—Hindi pa rin natitigil at patuloy ang pagdagsa ng mga mananaya sa raket na drop balls at color games na nakapuwesto sa Otek St., Baguio City.


Kapag walang ginawang aksiyon si Mayor Benjamin Magalong na ipatigil ang mga raket na drop balls at color games sa kanyang nasasakupan at nagkahawaan ng virus dyan, eh, malamang sa susunod na magpalabas ng community quarantine si P-Duterte ay isama na nito sa GCQ ang Baguio City, boom!


◘◘◘


SA PAGKAPATAY SA ANAK NA NPA NI CONG. CULLAMAT, MAY DAHILAN NA NGAYON ANG MILITAR NA I-RED-TAGGED ANG MAKABAYAN BLOC—Napatay ng militar sa engkuwentro ang New People’s Army (NPA) member na si Jevilyn Cullamat, anak ni Bayan Muna partylist Rep. Eufemia Cullamat.


Dahil d’yan, may dahilan na ngayon ang militar na i-red-tagged ang mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page