Namamahalan sa P12 na tubig… JIE-ANN, UMAMING 'DI NALILIGO ARAW-ARAW, ININSULTO NI JUSTIN
- BULGAR

- Dec 21, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 21, 2020

Humingi na ng patawad ang PBB Connect housemate na si Justin Dizon sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann Armero kaugnay sa hindi madalas na pagligo ng co-housemate.
Ani Justin kay Jie-Ann, na naging malapit na niyang kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya, “I really lacked understanding na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes, I wanna say sorry. I forgot to realize na iba tayo ng environment. I wanna say sorry because they were insensitive. I’ll try my best to be more sensitive with how you feel.”
Sa episode na ipinalabas sa programa last Dec. 18, nilapitan ni Justin si Jie-Ann, na noo’y dinadamayan ng iba pang housemates matapos makitang malungkot. Ipinaliwanag ng “Kwelang Fangirl ng Sarangani” na hindi niya nakasanayan ang pagligo araw-araw dahil kinakailangan nilang bumili ng tubig.
Kuwento ni Jie-Ann, P12 kada lalagyan ang binibili nila kaya’t tinitipid ng kanyang pamilya ang kanilang tubig sa bahay.
Naging usap-usapan ng mga netizens sina Justin at Jie-Ann kamakailan lang nang kumalat ang isang bahagi ng livestream kung saan tila ba nakapagsalita nang masakit si Justin kay Jie-Ann kaugnay ng hindi nito pagligo.
Pero napagtanto ni Justin na mali ang kanyang naging pagtrato kay Jie-Ann kahit pa nagbibiruan silang dalawa kaya humingi siya ng tawad.
Binigyang-diin din ni Kuya sa mga housemates at viewers ang kahalagahan ng respeto at pag-unawa sa kapwa.
“Tinipon ko kayo rito sa aking bahay na may iba’t ibang pinanggalingan, kultura, tradisyon sa pamumuhay, ugaling kinagisnan, at pang-araw-araw na pinagdaraanan. Sa nangyaring ito, hangad ko na hindi lang mas makilala pa ninyo ang isa’t isa, kundi ang igalang n'yo rin ang pagkakaiba ng bawat isa at matutong rumespeto at umunawa dahil kayo ay magkakaiba ng pinagdaraanan. Sa ganitong paraan, mas titibay ang inyong samahan,” sabi ni Kuya sa mga housemates.
Samantala, ipinakilala na sa BB Kumunect Tayo Afternoon Show nina Melai Cantiveros at Enchong Dee ang ika-15 official housemate ng season na si Ralph Malibunas, ang “Na-Nice Boy Nanny ng France.”
Ibinalita rin nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa PBB Kumunect Tayo sa primetime na 14 na lamang ang natitirang aspiring housemates sa Kumu na maaaring makapasok sa bahay ni Kuya.





Comments