top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Nalungkot ang marami sa last races ng PRCI at MJCI

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 19, 2022


Huling pakarera ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at Philippine Racing Club Inc. (PRCI) itong linggo kaya maraming karerista ang nalulungkot.


Huwebes at Biyernes ang farewell races ng MJCI at sa Sabado naman ang sa PRCI kaya emosyonal ang ibang karerista.


Maraming karerista ang lumaki sa Sta. Ana at sa San Lazaro, halos sa loob ng karerahan sila naglalagi tuwing araw ng karera. "Nakakalungkot naman, wala ng Sta. Ana at San Lazaro races, 'yan na lang ang alaala ng kabataan namin, marinig lang ang Sta.Ana at San Lazaro ang karera naaalala ko na yung dating karerahan," saad ni Danny Ballesteros, karerista na taga-Tayuman.


Magkakaroon ng pitong races bukas at 12 races naman sa Biyernes sa San Lazaro.


Walang carry over sa mga exotic betting tulad ng winner take all Pick 6 at iba pa, ito'y matapos maglabas ng memorandum.


Samantala siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Martes, lahat ng karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page