top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nalubog na rin sa utang sa credit cards… SID, WALANG PAMBAYAD NG UPA SA BAHAY, PINALALAYAS

BULGAR
Jun 29, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 29, 2022



Isa rin pala si Sid Lucero sa mga taga-showbiz na sobrang naapektuhan ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Muntik na siyang palayasin sa inuupahan niya, nag-break sila ng girlfriend niya at nawalan ng TV-movie project.


Maraming rebelasyon ang pinakawalan ni Sid during our interview with him pagkatapos ng special screening at presscon ng palabas na ngayon sa Vivamax na movie niya titled Virgin Forest directed by Brillante Mendoza.


Kuwento ni Sid, very thankful siya na napasama sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Tumagal din kasi ang role niya sa Kapamilya aksiyon-serye bilang si Manolo Catindig hanggang sa napatay ang karakter niya noong 2018.


Nagte-taping pa si Sid para sa Ang Probinsyano nu’ng gawin daw niya ang isa pa niyang serye sa ABS-CBN na inabot ng pandemya, ang A Soldier’s Heart kasama sina Gerald Anderson, Carlo Aquino, Vin Abrenica, Elmo Magalona at marami pang iba.


Natapos ang A Soldier’s Heart nu’ng September, 2020, ilang buwan pagkatapos magsimula ang lockdown sa bansa. Wala na raw siyang project na ginawa pagkatapos nito.


Dahil wala nang work, ang mga credit cards ang ginamit niya na pambayad ng kanyang rental. Hanggang sa na-reach na niya ang credit limits niya. Pinapaalis na raw siya ng may-ari ng kanyang nirerentahan.


Mabuti na lang daw at tinulungan siya ng kanyang tita, kapatid ng kanyang ina na si Bing Pimentel, na makapag-loan ng amount na kailangan niya bilang pambayad sa kanyang tinitirhan.


And during pandemic last year, September, 2021, nag-break sila ng kanyang girlfriend na si Annicka Dolonius, kaya ilang months na raw walang girlfriend si Sid.


Speaking of Ang Probinsyano, how true na ang first choice raw sa role ni Ms. Charo Santos-Concio sa drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin ay walang iba kundi ang Superstar at National Artist na ngayon na si Nora Aunor?


Si Nora raw mismo ang tumanggi sa role na bagay na bagay din sa kanya bilang member ng isang patriotic group na mala-NPA.


Nakakapanghinayang if true ang tsika sa amin ng source. Imagine, may Megastar Sharon Cuneta na, join pa ang Superstar, ‘di ba?


At ‘yun sana ang pagkakataon na magkasama sina Nora at Sharon for the first time na ang makakagawa lang talaga ng mga ganyang kombinasyon sa TV ay ang longest-running action-drama series ni Coco.


Going back to Sid, palabas na ang pelikula niya na Virgin Forest sa Vivamax kasama sina Vince Rillon, Angeli Khang, Alma Moreno, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins at marami pang iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page