Nalasing, wa' raw pera… MOIRA AT KZ, TODO-LAFANG SA RESTO SA USA, SI ZANJOE ANG PINAGBAYAD
- BULGAR
- Sep 15, 2023
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 15, 2023

First time naming naka-attend sa presscon ni Moira dela Torre at first time rin naming nakausap nang personal ang pinakasikat na singer ngayon ng mga 'hugot songs'.
Ini-launch kasi si Moira kahapon (Huwebes, Sept. 14) bilang the first brand ambassador ng leading sangria brand sa Pilipinas, ang Maria Clara Virgin, at siya rin ang kumanta ng bagong jingle nito.
Kung gaano kalumanay kumanta si Moira ng kanyang mga OPM hit songs na para kang ipinaghehele, ganu'n din pala itong magsalita talaga.
Pabiro ngang sabi niya sa presscon, baka iniisip ng iba na lasing siya kaya ganu'n magsalita, pero ganu'n lang daw talaga siya at ipinanganak na siyang ganu'n ng nanay niya.
Actually, hindi naman talaga nakakalasing ang bagong endorsement ni Moira dahil non-alcoholic ang Maria Clara Sangria. Para lang itong juice na masarap inumin kung gusto mo lang mag-chill habang nagmumuni-muni at 'yung tipong gusto mo lang uminom dahil may pinagdaraanan ka, pero ayaw mong malasing at mawala sa katinuan.
Kaya hindi naman actually dapat mag-alala ang mga magulang na bad influence si Moira sa kanilang mga batang anak na umiidolo sa sikat na singer-composer, dahil hindi nga alak ang ine-endorse ni Moira.
Although, umamin si Moira na there were times na nalasing na rin siya at madali nga raw siyang tablan. Tatlong baso lang ng Maria Clara Sangria ay "nag-i-speech" na raw siya 'pag lasing na. At 'yun ay according daw sa kanyang mga ka-banda na kasa-kasama niya for 8 years na.
Pero bukod diyan, may naalala si Moira na nakakatuwang kuwento minsang malasing daw siya.
Tinanong kasi namin si Moira kung sino sa mga kaibigan niya ang gusto niyang makasama habang umiinom ng Maria Clara Virgin at aniya, si KZ Tandingan.
Si KZ pala ang isa sa mga best friends niya at madalas na roommate kapag may mga out of the country shows sila.
Four years ago, nag-ASAP Rome raw sila at nagkayayaan silang mag-inuman ni KZ.
Kuwento ni Moira, "Sabi ko kay KZ, 'Ako bahala sa 'yo, aalagaan kita, inom tayo.' Ang ending po, siya ang nag-alaga sa akin."
Dagdag pa niya, "Tapos po, hinila kami nina Kuya Zanjoe (Marudo), ng KathNiel, ni Ate Dimples (Romana), ni Ms. Jodi Sta. Maria, naglakad po kami sa outskirts ng Rome after ng show.
Kaladkarin lang po kami ni KZ. Tapos, nakahanap po kami ng resto, umorder po kami. Ang mahal pa po ng inorder namin ni KZ. Umorder kami ng t-bone steak at pasta, tapos nu'ng dumating 'yung bill, nagtinginan kami. 'Wala tayong dalang pera.'
"So, hindi po kami nagbayad, si Kuya Zanjoe po ang nagbayad," natatawang kuwento ni Moira.
Hahaha! Oh, sino ngayon ang gustong makipag-inuman kay Moira? Char!
Anyway, si Moira ang sumulat ng anthem na Maria Clara, isang full-length song na bagong jingle ng brand, at siya rin ang kumanta nito para makapag-share ng positibong mensahe ng self-love anuman ang sitwasyon.
Ayon sa songwriter, “It’s (Maria Clara) basically a friend for all seasons. And so, Maria Clara is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.”
At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestones ng buhay nang walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.
Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng Maria Clara habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.
Mapapakinggan ang Maria Clara ni Moira Dela Torre sa Spotify.





Comments