Nalaos nang mawalan ng mga shows… KRIS, WA' NANG HATAK SA TAO, MAYABANG AT BITTER PA RIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 3, 2022

Mula nang nawalan ng TV show si Kris Aquino sa ABS-CBN at nabawasan ang kanyang exposure sa telebisyon, bumaba na rin ang kanyang popularidad. Isa-isa na ring nawawala-nababawasan ang malalaki niyang product endorsements.
Marami nang bagong celebrities at sikat na vloggers ang pumalit sa puwesto ni Kris.
Hindi sapat na dahilan ang kanyang pagkakaroon ng autoimmune disease upang maawa-makisimpatya sa kanya ang publiko.
At ramdam na ni Kristeta ngayon ang panlalamig ng kanyang career. Kaya naman, kahit binawalan na siya ng doktor ay lumabas siya at sumama sa rally ni VP Leni sa Tarlac na hometown ng mga Aquino.
Doon nga ay nagawa pang magpasaring ni Kris sa kanyang ex-BF na si Herbert Bautista.
May mga netizens ang nagsasabing hindi na ganu'n kalakas ang karisma ni Kris Aquino sa tao. Kaya wala nang katiyakan ngayon na kung mag-e-endorse siya ng kandidato ay mananalo.
Sana raw, at this point of her life na wala nang career si Kris at wala nang power ang kanyang pamilya, maging humble na at matutong magpatawad.
Huwag na siyang maging bitter sa buhay upang tuluyan nang gumaling ang kanyang sakit.





Comments