Nalaos nang maging nanay… CRISTINE, NABUHAY ANG CAREER NANG GUMANAP NA IMEE MARCOS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 25, 2023

Ayon na rin kay Sen. Imee Marcos, hindi lang sa Ilocos kinunan ang kabuuan ng pelikulang Martyr or Murderer na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Cristine Reyes, Elizabeth Oropesa atbp.. May mga eksena raw na kinunan sa Morocco dahil dito na-exile si Sen. Imee Marcos nang lisanin nila ang Malacañang Palace.
Sey nga ni Sen. Imee, ang kanyang pagtira noon sa Morocco ang itinuring niyang saddest part of her life. Nagkahiwa-hiwalay ang kanyang pamilya at napunta sa Hawaii ang kanyang mga magulang.
Samantala, malaki ang naging exposure ni Cristine Reyes sa Martyr or Murderer movie dahil siya ang gumanap na Imee Marcos. Sabi ng ilang netizens, kuhang-kuha na ni Cristine ang mga mannerisms ni Sen. Imee Marcos! At wala raw binago sa script habang isinu-shoot ang pelikula.
Overwhelmed naman si Cristine Reyes dahil sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang Imee Marcos sa Martyr or Murderer. Nagkaroon ng bagong sigla ang kanyang career. Akala niya noon, wala na siyang puwang sa showbiz dahil isa na siyang mommy.
Pero, sa tulong ng Viva Films ay muling nabuhay ang kanyang career.





Comments