Nalamang nagpapiktyur ang dalawa, galit na galit… ANDREA, SINUGOD SI FRANCINE DAHIL KAY SETH
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 18, 2022

May pagtatangi ba si Seth Fedelin kay Francine Diaz kahit si Andrea Brillantes ang ka-love team niya?
Inilabas kasi nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa YouTube channel nila na in-upload nitong Lunes ang old videos kung saan makikitang pasimpleng nagtitinginan sina Seth at Francine habang katabi nila si Andrea, pati ang pagbibiruang naghahampasan ng unan na binanggit ni Kyle Echarri na boyfriend ni Francine si Seth.
Nariyang nagbibiruan at nag-aapiran pa sila sa likod ni Andrea na dedma naman
Pero naguluhan naman kami dahil base naman sa kuwento ni Ogie ay may mga nakausap siyang sources na nagsabing naging magkarelasyon sina Seth at Andrea sa panahong ginawa nila ang teleseryeng Kadenang Ginto nu'ng 2018-2020.
Kuwento ni Ogie, “According to my source, ah, mga more than two years daw sila. More than two years sina Seth at Andrea.”
Napa-"Ohhh… kaya" si Mama Loi sa nalamang nagkaroon ng relasyon ang dalawa.
Kaya pala may pinaghuhugutan ngayon si Andrea sa nakitang magkasama sina Seth at Francine sa bahay ng dalaga noong Bagong Taon, na ibig sabihin ay may kurot pa rin sa kanya.
Sabi pa ni Ogie, “Naging sila noong Kadenang Ginto (shoot), tapos ‘yun nga, nabuo na ‘yung love team. Kasi nga itong si Andrea, crush niya si Daniel Padilla kaya binigyan si Andrea na kahawig si Daniel at ito nga ‘yung si Seth kaya sila’y nabuo. Tapos, nagkaroon daw sila ng relasyon, tapos nag-split din. So, parang ang inaalagaan na lang ngayon ni Andrea ay ‘yung love team. ‘Yun ang pinoprotektahan.”
Kaya pala may hugot si Andrea sa single ni Selena Gomez na Love Youto Love Me na ipinost niya sa Tiktok account niya, na ang sabi…
“I gave my all and they all know it,
You turned me down and now it's showing...
In two months, you replaced us,
Like it was easy Made me think
I deserved it..."
Anyway, may nakuha pang impormasyon ang talent manager at vlogger na kaya nag-unfollow sina Andrea at Francine ay dahil naunang i-block ng una ang huli kaya kapag tsinek pareho ang kanilang IG account ay hindi na nila pina-follow ang isa’t isa.
Bukod dito ay nagkaroon ng gusot noong ABS-CBN Christmas special ang dalawang aktres dahil kay Seth na humantong sa panunugod ni Andrea kay Francine.
Ayon kay Ogie, “Nu’ng December 18 yata, Christmas special ng ABS-CBN, eh, nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan itong si Blythe at itong si Francine dahil nakita na nagpa-picture itong si Seth… 'Di ba may SethDrea na ginu-groom ng ABS para lumaking love team? Wala pa ‘yung FranSeth kasi sina Kyle at Francine ang ine-establish.
“Eh, ngayon, ang nakarating sa atin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth, nag-join sa kanila sa picture taking, tapos parang ikinagalit ito ni Blythe o ni Andrea.
“Totoo ba ito, nagkaroon ng suguran sa dressing room?”
“Oo! Parang ayaw yata ni Blythe na magkaroon ng pagkakataon na magpa-picture ‘yung dalawa, kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, eh, iniingatan nga kasi ni Andrea ‘yung love team nila ni Seth. Ayaw ni Andrea na maguluhan ang mga tao sa love team nila. Pero 'pag kaibigan mo naman ‘yung tao, 'di ba, kahit hindi mo ka-love team, 'di ba?”
Dagdag pa, “Hindi naman sanay ang mga bagets. ‘Ay, sh*t, nakalimutan ko, may ka-love team pala, hindi ako puwedeng pumunta diyan.' Kaya lang siyempre, friendship naman ‘yung isa.
“Kaya na-off din daw itong si Seth sa ginawa nitong si Blythe na sinugod si Francine (disclaimer ni Ogie na ikinuwento lang sa kanya) at nagalit nga itong si Andrea. ‘Yung eksenang ‘yun, medyo na-off si Seth kaya nakita natin (picture) si Seth sa bahay ni Francine, tapos picture taking sila ru'n, 'di ba?
“Kasi nga, nandoon si Seth para humingi ng sorry kay Francine sa nangyari sa nakaraang Christmas special ng ABS (CBN),” paglilinaw ni Ogie.
At ang tanong ni Ogie kay Andrea, “Si Andrea ang tanungin natin. Eh, nasa iyo na Andrea kung sasagutin mo ito o pabubulaanan mo. Kaya lang, baka magalit si Andrea, baka sabihin, ‘Napaka-Marites ninyo!’”
Pero mukhang hindi sasagot si Andrea dahil may bilin na pala sa kanilang apat kasama si Kyle na hindi sila sasagot sa anumang tanong, hayaan na lang mamatay ang isyu.





Comments