Nalamang hiwalay na kay Macky… WISH NI CESAR: SUNSHINE, MAGING HAPPY NA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 20, 2022

Tinanong ni Dolly Anne Carvajal ng Inquirer si Cesar Montano sa nabalitang breakup nina Sunshine Cruz at Macky Mathay at maganda ang sagot ng aktor.
“I am in no position to comment on that since it’s their story and not mine. But whatever Shine is going through, I wish her well. I want her to be happy because her happiness will rub off on our daughters.”
Sa column pa rin ni Dolly Anne, nagpahayag ng saya si Cesar na magkaibigan si Sunshine at ang GF niya ngayon na si Kath Angeles. Nakita natin sila sa magkasunod na birthday parties ng dalawang anak nina Sunshine at Cesar at nagkaroon pa nga ng dance showdown.
Pati mga anak nina Sunshine at Cesar at mga anak nina Cesar at Kath, magkakasundo at tama si Cesar, nara-rub-off sa mga anak nila ang happiness kapag maayos ang relasyon ng mga magulang.
Ang ganda kayang tingnan na sama-sama silang parang iisang pamilya.





Comments