Nalamang gaganap sa dating role ni Nora… JUDAY, INATAKE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 11, 2022

Inatake ng nerbiyos si Judy Ann Santos nang sabihan ng National Artist na si Ricky Lee na siya ang gaganap na Elsa (role ni Nora Aunor) sa pelikulang Himala.
Inanyayahan nga si Juday sa script reading ng pelikulang isinulat ni Ricky Lee. At isa nga rito ang Himala na umani ng mga awards.
May duda si Judy Ann kung kakayanin niyang gampanan ang role na Elsa ni Nora Aunor sa Himala. Pero, maayos naman niyang nagampanan at pasado siya sa mga nanood.
Sinuportahan si Juday ng kanyang pamilya sa pangunguna nina Ryan Agoncillo, Mommy Carol, ng anak niyang si Yohan atbp. kaibigan.
Sama-sama silang nanood ng script reading ng Himala sa CCP Theater upang bigyan ng moral support si Judy Ann. At para kay Ricky Lee, pasado si Juday bilang si Elsa ng Himala.





Comments