Nalamang buntis kung kelan hiwalay na… DENISE, IBINULGAR NA ANG TATAY NG ANAK
- BULGAR
- Oct 9, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 9, 2022

Sa isang panayam ay nag-open-up na si Denise Laurel kung sino ang ama ng kanyang anak na si Alejandro.
Never itong ginawa ng aktres noong preggy siya, ang pag-usapan kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis at kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.
Davian Alejandro ang name ng anak ng aktres na iniluwal niya noong 2011 kung saan kasagsagan ng kanyang career.
Ayon sa aktres, isang Italian-American ang ama ng kanyang anak pero hindi na niya sinabi ang name ng guy o anumang detalye tungkol dito.
Sa panayam, nalaman niyang buntis siya nu'ng hiwalay na sila ng guy.
Dahil she's still young at that time, hindi pa siya handa sa motherhood, pero alam niyang kinakailangan niyang kayanin.
Nag-aalala rin siya sa kanyang parents, but surprisingly, her parents were very supportive.
Nang malaman ng guy na siya ay buntis, nagpursige naman daw ito na magkaayos sila.
'Yun nga lang, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.
Looking back, Denise shared, “One thing I was afraid of was that I have a lot of contracts that were ongoing.”
Hindi man plano ang kanyang pagbubuntis, naitawid naman niya ito nang mabuti.
Ngayon ay 12 years old na ang anak ni Denise at masaya siya dahil napalaki niyang mabuti ang anak kahit na walang kinalakihang ama.
Wala ring binanggit ang aktres kung sinusuportahan ba ng guy ang anak nito sa kanya.




Comments