top of page
Search
  • BULGAR

Naku po, kaya siguro sarado na ang heart ng girl… GUWAPONG AKTOR, NALASING SA PARTY, SINAKAL ANG MISIS NA AKTRES-MODEL, MGA NAKASAKSI SHOCKED!

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 25, 2024



Blind item:


Sa pagpapatuloy ng ating “blind item series” ukol sa mga sikat na celebrities na sangkot sa kontrobersiya, ibinuking ng aming source kung ano ang dahilan ng kaguluhan sa party hosted by the female star (FS) na ginanap sa bahay at ikina-shocked ng sosyalerang pamilya ng male star boyfriend (MSB) niya.


Kabilang sa mga naimbitahan ni FS sa kanyang party ang mga sikat na celebrity friends niya tulad ng young actress (YA) na nahiwalay sa kanyang BF na young actor, ang controversial couple na guwapong aktor (GA) at aktres-model (AM) at ang magaling na dramatic actor (DA).


Nalasing daw sa party si GA at ang siste, nag-away sila ni AM sa ‘di malinaw na dahilan. 


At sa pag-aaway ng controversial couple sa party, sinakal daw ni GA si AM sa kainitan ng kanilang pagtatalo na ikinagulat ng mga bisita at pamilya ni MSB.


Shocked si YA nu’ng makitang sinasakal ni GA si AM. Nanginginig daw sa takot si YA at ‘di malaman kung saan lalapit para maibsan ang kanyang nararamdaman.


Wala kasi doon ang ex-BF ni YA na itinuturing niya na kanyang ‘knight in shining armor.’ 


Sad to say, naghiwalay din si YA at ang kanyang BF ilang panahon pagkatapos mangyari ang sakalan ng controversial couple sa party. 


And aside kay YA, pati si DA ay ‘di rin makapaniwala sa pisikalang awayan ng controversial couple during the party ng common friend nila na si FS.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page