Nakitira na nga lang, pasaway pa… ETHEL, PINAGTATAPON ANG GAMIT NI VICE SA CONDO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 24, 2022

Naaliw kami habang pinapanood ang collab (collaboration) vlog nina Vice Ganda at Ethel Booba sa YouTube channel ng una.
Puro kabaliwan kasi ang kanilang tsikahan na pati nga ang mga netizens ay aliw na aliw.
‘Kaaliw ang kuwento ni Vice na nakitira minsan si Ethel sa kanya pero ang ending, siya pa ang pinalayas.
“Kasi ito (Ethel), sa aming barkada, pasaway talaga siya,” kuwento ni Vice. “As in minsan, sumasakit ang ulo naming magkakaibigan sa kanya, sa kaiisip sa kanya.
“Tumira nga ‘to sa condo ko, pinagtatapon ‘yung gamit ko, 'di ba? ‘Yung parang ako pa ang pinalayas niya dati. Sumasakit talaga ‘yung ulo ko sa kanya.
“Sa’n ka nakakita na ‘yung best friend mo, tumira sa condo mo, tapos nu'ng nagalit sa ‘yo, pinagtatapon ‘yung gamit mo sa labas. Ha? Ano ako, border?” pagbabahagi ni Vice.
Tawa naman nang tawa si Ethel at nangatwiran na ang tagal daw kasing umuwi ni Vice ng bahay.
“Sabi niya, ‘Sandali lang ako.’ Ang tagal mo kasi, eh, matutulog na ‘ko,” natatawang katwiran ni Ethel.
Pero kung pasaway na kaibigan si Ethel, ayon sa mister niyang si Chef Jessie ay hindi naman pasaway na asawa ang komedyana.
“Mabait, malambing, maalaga,” ang deskripsiyon ni Chef Jessie kay Ethel.





Comments