- BULGAR
Nakita rin daw na may kasamang babae sa bar, Heart… KALAT NA: CHIZ, NABUNTIS ANG SECRETARY
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 6, 2022

Dahil sa mga cryptic posts ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account at mga pasimpleng hugot sa kanyang latest vlog sa YouTube, tumaba ang utak ng mga Marites at nakabuo na ng senaryo sa maingay na hiwalayan diumano nila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.
Heto nga't kalat na kalat ngayon sa socmed, partikular na sa YouTube, ang mga bali-balitang diumano'y third party sa part ni Sen. Chiz ang dahilan ng kalungkutan ngayon sa mga mata ni Heart.
Kung nu'ng una ay sinasabing may nabuntis diumano si Sen. Chiz pero walang pagkakakilanlan, ngayon, may tinutukoy nang babae sa kuwento — walang iba kundi ang sekretarya raw ng senador.
Bukod diyan, may kuwento ring nakita raw ang mister ni Heart na may ibang babaeng kasama sa bar.
Oh, ha?! 'Yung kuwentong nakabuntis ng sekretarya, parang narinig na rin namin ito noon nang ikalat na may nabuntis din si Sen. Kiko Pangilinan, kaya ilang beses pa ngang naghamon si Megastar Sharon Cuneta. Pero kahit maputi na ang buhok ngayon ni Sen. Kiko, wala pa rin namang lumalantad na naanakan daw niya.
Ito namang kuwentong may kasamang ibang babae sa bar si Sen. Chiz, eh, hindi naman siguro ganu'n kabastos, kakapal ang mukha at kasyunga ang mister ni Heart para ipangalandakan na may kabit siya samantalang kilalang-kilala naman siya sa buong 'Pinas.
At hindi naman siguro niya sisirain ang pangalan niya at posisyon para sa isang babae lang.
Kaya naniniwala kami na kung may pinagdaraanan man ngayon ang marriage nina Heart at Sen. Chiz, mas mabuting sa aktres na mismo manggaling ang pag-amin para hindi na nahihirapang maghabi-habi ng script ang mga Marites.