top of page

Nakisimpatya kay Kyline vs. Kobe… MARIAN AT SARAH, TINAWAG NA KUNSINTIDORA AT SAWSAWERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 3, 2025



Photo: Sarah Lahbati, Kyline Alcantara at Marian Rivera - IG


Pinadalhan lang ni Marian Rivera ng bouquet of flowers si Kyline Alcantara at nag-follow uli si Sarah Lahbati sa Instagram (IG) ng Kapuso actress, may mga nagalit na sa dalawa. Kunsintidor daw sina Marian at Sarah at kung anu-ano pang mga comments ng mga netizens na para bang bawal nang makisimpatya kay Kyline at inakala agad na maka-Kyline sina Sarah at Marian.


Pinadalhan kasi ni Marian ng flowers si Kyline, ipinost ng aktres sa kanyang IG Stories, pati ang kasamang card, pero ang ipinasilip lang ay ang nakasulat na: “With all my love, Ate Yan.”


Nakasulat naman bilang reaction ni Kyline sa ipinadalang flowers ni Marian ang “I feel so loved. Thank you so much, Ate @marianrivera.”


Bago pa ang controversy nina Kyline at Kobe Paras at ng mom nitong si Jackie Forster, close na sina Marian at Kyline. Madalas, inila-like ni Marian ang mga IG post ni Kyline at minsan, nagko-comment din siya.


Muli namang nag-follow si Sarah sa IG ni Kyline, dahilan para tawaging sawsawera ito. 

Tanong nga ng isang casual fan, bawal bang i-follow ni Sarah si Kyline at bawal ba silang maging friends uli?


Samantala, patuloy ang pagpapahayag ng suporta ng mga fans kay Kyline. Ituloy lang daw niya ang pananahimik at piliing hindi na sagutin ang statement ni Jackie Forster. Mas magiging mabilis daw ang kanyang healing at pagmu-move on kapag patuloy siyang mananahimik.



SA Mga Batang Riles (MBR) nga magge-guest si Jillian Ward at hindi pa sinasabi ang karakter na gagampanan niya. Pero, may mga nagsabing ang role niya sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) bilang Doc Annalyn ang kanyang role. 


Hindi pa nagsisimulang mag-taping si Jillian, pero dumalaw na siya sa set para makita ang cast na kinabibilangan ni Miguel Tanfelix.


Nagpahayag ng tuwa sina Miguel, Antonio Vinzon, Raheel Bhyria at Kokoy de Santos sa pagge-guest ni Jillian. May pa-cake sila at flowers na si Raheel ang nagbigay. 


Tinukso ng mga kasama at pati na ni Jillian si Raheel dahil nag-blush nang magkatabi sila. 


Aminado si Raheel na crush niya si Jillian at nanliligaw na yata, kaya masaya ang puso nito. Ang lakas daw ng tibok ng kanyang dibdib.


“Something different,” ang sagot ni Jillian nang tanungin kung ano ang role na gagampanan niya. Natsa-challenge raw siya dahil magagaling ang mga kasama niya at ganu’n din ang nararamdaman nina Miguel, natsa-challenge, excited at natutuwa nang malamang guest nila si Jillian.



ILANG araw na lang ay mag-eeleksiyon na at nagpapasalamat si Sen. Lito Lapid at ang kampo nito sa walang sawang suporta sa senador. 


Sa Octa Research Survey, nananatili ang ranking niya sa number 5–11. Kaya lalong ginaganahan ang mga supporters ni Lito na ikampanya siya, kabilang si Coco Martin na sumama pa sa motorcade sa Quezon City. Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga-Kyusi sa dalawa.


Samantala, sa kanyang pahayag noong Labor Day, nabanggit ni Lito ang pagsusulong niya ng mga panukalang batas para tulungan ang mga manggagawa. 



EXCITED si Claudine Barretto na gampanan ang role ni Vice-President Sara Duterte. Sabi nito kay Director Darryl Yap na siyang nag-offer sa kanya ng role, “Magpapagupit talaga ako,” at sinagot siya ng director ng “Kalma! Hahaha!”


Sa una, tinanong ni Direk Darryl si Claudine kung ready ba siyang maging si Inday Sara.

Sagot ni Claudine, “Sarah Forever,” at sinundan ng “OMG! I’m crying. Thank you, direk,” at “Can’t wait to work with you.”


Kung ang mga netizens ang tatanungin, ayaw nilang tanggapin ni Claudine ang project dahil hindi raw makakatulong sa kanya. 


May masaya naman para sa aktres, ‘wag daw siyang mag-aalala at susuportahan nila ang pelikula.


May ilan na gustong malaman ang title ng movie na ang sabi, biopic daw ni VP Sara. 

Mahusay na aktres si Claudine Barretto, kaya niyang maging si Inday Sara.



Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page