Kinantiyawan ng aktor… JOLINA, SI MARVIN ANG “KALABTIM”, TODO-KILIG KAY CEDRICK JUAN

by Janiz Navida @Showbiz Special | October 10, 2026

Photo: Jolina Magdangal - IG
Panay ang kantiyaw ni Marvin Agustin sa “kalabtim” niyang si Jolina Magdangal sa mediacon-advance screening ng kanilang bagong rom-com series sa TV5, ang Mommy Guard na magsisimula na sa October 19 nang hapon.
Ramdam na ramdam kasi sa mga eksena ni Jolina at ng ka-love triangle nila ni Marvin sa Mommy Guard na si Cedrick Juan na kilig na kilig ang aktres sa ang guwapo naman kasi talagang aktor na gumaganap na guard sa university na papasukan ng kanyang anak na si Happy (played by newcomer Amo Wilding).
Sa Q&A, tinanong namin si Marvin kung na-threaten siya kay Cedrick dahil malakas din ang chemistry nito at ni Jolens.
Hindi naman nag-deny si Marvin na nagselos siya at du'n nga kinantiyawan nang todo ang kalabtim na obyus daw na super-kilig kay Cedrick.
Paliwanag naman ni Jolens, kailangan daw talagang damdaming mabuti ang karakter at eksena para maging effective dahil gusto talaga niyang ibigay ang best niya sa balik-tambalan nila ni Marvin sa Mommy Guard.
Ang daming cast ng Mommy Guard, parang pelikula nga sa dami ng artistang kasama rito. Tinanong nga namin sina Marvin at Jolens kung ‘di ba sila kinakabahan o pressured sa ratings dahil kung sakaling ‘di mag-click ang balik-tambalan nila, ang dami ring mawawalan ng work.
Si Marvin ang unang sumagot na saka pa lang daw siya kinabahan sa tanong namin, pero ang paliwanag naman niya, ang goal nila ay maghatid ng saya sa manonood sa good vibes na hatid ng Mommy Guard.
Sabi naman ni Jolens, since series ang Mommy Guard, hindi lang isang bagsakang mapapanood ang mga artistang kasama rito. Maraming iikutang location ang istorya kaya maraming cast.
Anyway, despite the many years na nagkani-kanya ng landas sina Jolens and Marvin, sa kanilang balik-tambalan sa Mommy Guard ay malakas pa rin ang chemistry nila.
Aminado naman si Marvin na hindi man sila naging couple in real life ni Jolina, mahal niya ang “kalabtim” at vice-versa, ‘pag may bagong achievement si Marvin, talagang ‘di pinalalampas ni Jolens na batiin ito. Kaya naman ang ganda pa rin ng friendship nila at hindi nga nawala ang chemistry.
Kasama rin sa cast ng Mommy Guard sina Dominic Ochoa, Roxanne Guinoo, Susan Africa, Soliman Cruz, Pearl Gonzales, Nathalie Apollo, Celyn David, Quin Carillo at marami pang iba.
Mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr., mapapanood na ang Mommy Guard simula sa October 19, Monday to Friday, at 2:30 PM on TV5 and ABS-CBN platforms.
Aktor, hiyang-hiya pa…
PAMILYA NI FRANCINE, NABITIN SA FIRST KISS NILA NI SETH
NAGANAP na (naganap na raw, oh!) nga ang first-ever screen kiss nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa iWant vertical series na A Cake to Remember.
Kaya sa ginanap na Spotlight mediacon ng Star Magic kung saan parehong talents sina Francine at Seth, naurirat sa kanila ang naturang first kiss nila.
Pag-amin ni Seth, kinausap niya ang parents ni Francine bago ang kissing scene nila dahil malaki ang respeto niya sa mga ito.
Nangako rin siyang hindi magte-take advantage kay Francine kaya naman kahit ibinulgar ng aktres na nabitin ang mga kapatid niya sa bilis ng first kiss nila, ayaw ulitin ‘yun ni Seth kung hindi naman kailangan sa story.
Nakakatuwa nga si Seth dahil mararamdaman mo sa pananalita nito na gentleman talaga siya at hiyang-hiya actually na pag-usapan ang first ever kiss nila ni Francine.
Ongoing pa ang kanilang A Cake To Remember sa iWant kaya sa mga gustong ma-feel ang kakaibang kilig ng FranSeth, watch their series.





Comments