top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakipagbati kay Marjorie… P500 K KADA BUWAN NA SUPORTA NI GRETCHEN KAY CLAUDINE, 'DI NA ITINULOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 20, 2022




May tsikang hindi na umano itutuloy ni Gretchen Barretto ang financial support na P500K sa kapatid na si Claudine Barretto.


Sa Showbiz Update YouTube Channel nina Mama Loi at Ogie Diaz, ang isyu sa pagitan ng magkapatid ang pinag-usapan.


Isang source umano niya ang nagpadala sa kanya ng text kung saan may alegasyong hindi na raw itutuloy ni La Greta ang suportang P500K kay Claudine dahil pinasok na rin nito ang pulitika.


Sabi ni Ogie, "Merong nag-text sa akin, dapat pala itong si Claudine ay susuportahan na raw ni Gretchen Barretto. Kaya lang, medyo hindi nasunod 'yung gustong mangyari ni Gretchen."


Sey naman ni Mama Loi, "Ah... may kondisyon?"


"Oo, para rin kay Claudine. Kaya lang, parang 'di ata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya,


so sayang 'yung supposedly, eh, P500,000 a month na suporta nitong si Gretchen kay Claudine."


Hirit naman ni Mama Loi, "Hindi kaya may something 'yung kina Marjorie Barretto at Claudine dahil magkasamang nag-celebrate ng New Year ang magkapatid without Gretchen?"


Idinenay naman 'yun ni Ogie.


"Hindi, ano 'yan, early part pa ng 2021. Oo, na kung hindi siguro tumakbo si Claudine, eh, malamang na suportahan siya ni Gretchen ng P500,000 a month."


Muling tanong ni Mama Loi, "Kung hindi tumakbo?"


"Yes, 'yung ano lang, idiretso lang ang buhay, parang ganu'n," ang sagot ng bagong talent manager ni Aiko Melendez.


Pero, despite raw sa nangyari ay mahal pa rin ng Optimum Star si La Greta.


"Love naman nina Claudine at Gretchen ang isa't isa. Kaya lang sa checklist ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, eh, merong hindi nagawa roon ni Claudine kaya ayun, nawaley ang P500K."


Ang mga Marites at Mosang ay hindi naniniwala na 'yun daw talaga ang dahilan.


Naniniwala silang dahil sa pagbabati nina Marjorie at Claudine kaya nawala ang financial support sa huli.


Hindi pa raw kasi in good terms sina Gretchen at Marjorie hanggang ngayon.


Hayyy! Bigyan na lang natin ng benefit of the doubt ang Barretto sisters, okay?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page