top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakipag-meeting sa AllTV, pumirma sa GMA-7…WILLIE, MASAMA ANG LOOB KAY HIPON GIRL

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 8, 2022



Tuloy na tuloy na nga ang pagbubukas ng bagong TV network na pag-aari ni dating Sen. Manny Villar sa September 13, 2022!


Ang network na mas unang nakilala bilang Advanced Media Broadcasting System o AMBS ay tinawag na AllTV na may tagline na "Sama All, Saya All".


Napanood namin ang live stream ni Willie Revillame sa Wowowin Facebook page last Tuesday at du'n nga in-announce ni Kuya Wil na abangan ang pagbubukas ng AllTV sa September 13 kung saan may ilang programa nang mapapanood tulad ng performance ng live bands simula 2 PM na susundan ng TV show ni Toni Gonzaga at 5 PM, newscast at 6 PM, at 7 to 8:30 PM naman eere ang Wowowin, mula Lunes hanggang Sabado!


Nagsimula na ring magpamigay uli ng P20K si Kuya Wil sa kanyang mga FB followers, pero mas malalaking papremyo siyempre ang naghihintay sa pagbubukas ng Wowowin sa AllTV sa Sept. 13.


In-announce rin ni Kuya Wil na naghahanap siya ng mga magiging co-hosts sa kanyang primetime game show kaya open na raw ang audition at hanapin lang ang kanyang trusted staff na si Wheyee Lozada.


Akala namin, nu'ng makita naming kasama ni Kuya Wil si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl na nakasakay sa helicopter ng Wowowin host, babalik ang co-host-turned beauty queen sa game show ni Kuya.


Chika ng aming reliable source, nagkaroon naman daw talaga ng offer at meeting si Kuya Wil with Herlene and her manager na si Wilbert Tolentino.


Kaya ikinagulat daw ni Kuya Wil at medyo sumama ang loob na kinabukasan lang din pagkatapos ng kanilang meeting ay lumabas na sa social media na pumirma na si Hipon Girl sa GMA-7.


So, iniisip tuloy ngayon ng mga nakasaksi sa meeting nina Kuya Wil at Herlene na nagpataas lang daw siguro ng presyo si Hipon Girl kaya nakipagkita muna sa Wowowin host bago pumirma sa GMA-7.


Sana raw ay 'di nagsunog ng tulay si Hipon at nagpasabi na lang nang maayos kay Kuya Wil na pipirma na pala sila sa GMA-7, bakit nakipagkita pa sa TV host na unang nagpasikat sa kanya?


Naku, ha?! Dapat ayusin ni Hipon Girl 'yan bago siya matatakang ingrata at walang utang na loob.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page