top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakipag-lunch kay P-BBM, naka-sumbrero… MADLANG PIPOL KAY DIREK PAUL: BASTOS KA! WALA KANG MANNERS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 14, 2022



Pinuputakti na naman ng mga bashers ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano dahil sa ipinost ng direktor na picture nila habang kasamang kumakain sa dining table si Pangulong Bongbong Marcos na kanilang ninong sa kasal.


But wait, hindi dahil sa pagiging loyal supporters nila ni P-BBM kaya bina-bash ngayon ang mag-asawa — lalo na si Direk Paul — kundi dahil sa hindi pagtatanggal ng cap ng direktor habang kumakain sila sa dining table.


Ilan sa mga nabasa naming comments ng mga netizens sa socmed…


"Wearing a cap while dining - and with your President?"


"Beh, sa table manner, dapat alis na agad ang hat the moment you sit down. Hindi 'yung hihintayin mo pa ang pagkain bago mo tanggalin. Basic."


"Sana nagtanggal man lang ng sumbrero. Find it very disrespectful."


"Naman-naman. Talaga lang? Kaharap mo presidente, kahit sino pa 'yan, naka-cap ka?"


"Oh my, what bad manners to not take off his hat while eating."


Duda tuloy ng ilan, "Nakadikit siguro buhok nito sa cap niya. Takot na takot ipakita ang namumuong sama ng panahon sa tuktok."


"'Di ba kalbo si Paul? Why laging itinatago ang ulo?"


"Maraming white hair si Paul kaya laging naka-cap," depensa naman ng isang netizen.


Pero sagot uli ng isa pa, "Ang daling itago ng white hair. He can dye it."


Ayaw tanggapin ng maraming netizens ang katwiran na trademark na kasi ni Direk Paul ang pagka-cap lalo't Pinoy naman daw ang mister ni Toni at dapat ay alam nito ang ugali at kulturang Pinoy.


"Kahit saan yatang bansa, rude 'yung mag-cap ka especially while eating, lalo na rito sa 'Pinas.


Ipipilit maging iconic."


"It’s bad manner to eat with your hat/cap on, regardless who you're dining with."


"If you face and talk with the president wherever place you are both, especially when you are in a dining table, before eating, as a matter of courtesy and respect to both the president and the food, is to remove your cap. Tsk, tsk, tsk. It has been learned in school, on GMRC."


"Walang manners itong si Paul. Hanggang hapag-kainan, naka-cap pa rin," gigil much pang reaksiyon ng ilang netizens.


Samantala, maging kay Toni Gonzaga, na dressed to kill 'ika nga sa lunch with the president, ay may comment ang mga netizens.


Sabi ng isa, "Ang layo na ng narating ni Toni. Hindi ako magugulat na one day, maging 1st lady siya."


Komento ng isa pa, "Feeling ko, tatakbo si Paul sa Senado in the future."


Oh, ha, tingnan natin kung may future bang maging Madame Auring ang mga Marites na itey.


Char!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page