Nakipag-break sa mga partner… JANELLA AT KLEA, MAGDYOWA NA TALAGA
- BULGAR
- 11 hours ago
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 4, 2025

Photo: Klea / IG
Ang dalawang bida ng pelikulang Open Endings (OE) na sina Janella Salvador at Klea Pineda ang pinagkaguluhan ng media na dumalo sa Cinemalaya Film Festival (CFF) kahapon nang tanghali dahil nga nali-link sila sa isa’t isa.
Matatandaang naging laman ng balita sa social media sina Janella at Klea dahil na rin sa kumalat na mga larawan nilang sweet-sweet-an.
Sumakto naman dahil naghiwalay na si Klea at ang girlfriend nitong si Katrice Kierulf after ng tatlong taong relasyon at ang dahilan daw ay cheating.
Kaagad namang itinanggi ni Klea na siya ang nangaliwa pero walang ibinigay na detalye kung bakit sila naghiwalay.
At dahil nababanggit ang pangalan ni Janella at maraming larawang magkasama sila ay nagsabi siyang sasagutin niya sa tamang panahon ang lahat ng isyu at nangyari nga ito sa mediacon.
Bungad ng aktres, “Hindi po ako part ng breakup, hindi po ako third party. I want to exclude myself from that and kung ano ‘yung nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun.”
Hindi man diretsong inaming, “Yes kami na” pero kung ibabase sa sagot ni Janella na, “Kung ano ‘yung nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun,” ay mararamdamang malaman ito.
Tinanong si Janella kung masaya siya ngayon, at aniya, “Nakikita n’yo naman kung gaano ako kasaya.”
Si Klea ang sumunod na tinanong ng TV5 reporter na si MJ Marfori at sinabihang nagba-blush ang Kapuso actress, “Oh, my gosh! Nagba-blush ka.”
Sagot kaagad ni Klea, “Mainit sa venue! Ano ba ang tanong?”
May humirit ng “Are you together?”
Sinalo ni Jasmine Curtis-Smith ang co-star, “Right now we are physically together.”
Natawa nang todo si Klea at sabay sabing “‘Yan, thank you for saving me, Jas. I love you.”
Hindi rin napigilan ni Janella ang tumawa sa narinig na sagot.
Pero seryosong sagot ni Klea, “Kung ano ‘yung nakikita ninyo online o kahit saan, ‘yun na ‘yun! Basta masaya kami.”
Hirit ni Janella, “Kailangang mag-focus muna sa film.”
Sabi rin ni Klea, “Film muna tayo.”
Pero off-camera ay laging magkadikit daw sina Klea at Janella, dikit na dikit sila sa buong presscon. Kilig na kilig, going strong…
Diin naman ng taong malapit kay Janella ay “Friends lang talaga sila!”
Kasama rin si Leanne Mamonong sa pelikula mula sa direksiyon ni Nigel Santos.
Samantala, marami kaming sources na nagsabing playing sweet music together sina Klea at Janella at hindi na rin naman bago ito sa amin dahil sa parte ng Kapamilya actress ay lagi siyang nali-link sa kapwa niya babae, kaya puwedeng sila na nga ng co-star niya sa pelikula.
Tanda naming sabi sa amin nu’ng taga-production ng seryeng kasama si Janella, “Sila na talaga, kaya nga nila hiniwalayan ang respective partners nila para masabing walang cheating.”
Bukas ang BULGAR sa panig nina Klea Pineda at Janella Salvador o ng kampo nila.
Comments