top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nakilala raw sa dating app… BF NI MICHELLE, MAY MGA ANAK NA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | December 22, 2022




Inamin ni Michelle Madrigal na sa dating app niya nakilala ang bagong boyfriend.


Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya sa video ang kuwento kung paano sila nagkakilala ng BF niya ngayong si Kyle.


Aniya, nagkakilala sila sa dating app na Hinge, dahil hindi naman siya umano naglalalabas mula nu'ng maging single mom siya.


Napansin niya umano na nasa profile ng boyfriend niyang si Kyle ang mga anak at nagustuhan niya kung paano nito pahalagahan ang mga bata.


Matatandaang kinumpirma ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Troy Woolfolk noong Abril.


Nagkataon daw na nag-swipe silang pareho ni Kyle sa dating app na Hinge.


"Nandu'n 'yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano 'yung character ng lalaki the way they are sa kids nila."


Inamin din niya na wala namang label ang kanilang relasyon at hindi raw iyon mahalaga.


"I don't want to put any label dahil hindi naman importante 'yun. We have an understanding.


I think we're pretty much on the same page."


Nagustuhan umano niya ang pagiging caring at malambing ni Kyle sa mga anak. Para naman kay Kyle, nagustuhan niya ang pagiging nice, wholesome, at down-to-earth ni Michelle.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page