top of page

Nakilala raw dahil sa kambal na si Atasha, Kobe… ANDRES, TODO-DENY NA NAG-DATE SILA NI KYLINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2024
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 16, 2024



Showbiz news

First acting project ni Andres Muhlach ang sitcom na Da Pers Family na mapapanood sa Hulyo 21, Linggo, sa ganap na 7:15 PM sa TV5. 


Makakasama ng batang Muhlach ang pamilya niyang sina Aga Muhlach, Charlene Gonzalez-Muhlach at Atasha Muhlach.


Well, puring-puri si Andres ng beteranang aktres na si Ces Quesada dahil napakanatural, sincere at magaling considering na unang sabak nito sa pag-arte.

Reaksiyon ni Andres, “Muntik na akong lumuha, grabe. After talking to Tita Ces talaga sa tapings, she’s so nice and very encouraging. Minsan-minsan, I ask her kung ano ang puwedeng gawin (atake sa pag-arte) and she teaches very well.”


Bilang nauna naman si Atasha sa kapatid na pumasok sa showbiz ay binati rin niya ito dahil ang galing-galing daw mag-deliver ng Tagalog lines.


Para sa baguhang aktor ay nahihirapan pa rin siya, pero inaaral niyang mabuti ang script.


Sa one-on-one interview kay Andres pagkatapos ng mediacon ay inamin nitong sobra siyang nag-e-enjoy sa taping ng Da Pers Family lalo na sa mga kasama niya tulad nina

Bayani Agbayani, Ces, Kedebon Kolin, Heart Ryan, Chad Kinis, Sam Coloso,  Roderick Paulate at siyempre, ang pamilya niya.


“I’m learning a lot and the experience is really fun talaga,” sambit ng binatang aktor.

Sa tanong namin kung sino ang gusto niyang makatambal ay wala raw siyang pipiliin o napili pa dahil kung sino raw ang puwedeng ibigay sa kanya o ipareha ay okey sa kanya.

“Wala namang dream na makasama kasi para sa ‘kin, dream job ko po talaga, kahit sino po talaga, kasi it’s a dream experience, marami akong natutunan, kahit sino,” kaswal nitong sagot.


Ang paborito ni Andres sa mga pelikulang ginawa ng tatay niya ay ang Dubai at aminadong gusto rin niyang mag-drama pagdating ng tamang panahon.


“Pero ngayon kasi, mahilig talaga ako sa jokes, magbiro, so, having fun now with the sitcom and 'pag ready na ako, I really want to try mga drama,” dagdag pa niya.


Inamin din nitong kailangan na niyang magtrabaho para sa sarili at ayaw niyang umasa sa magulang niya dahil tapos na ang obligasyon sa kanila, napag-aral na at napalaki nang husto kaya sabi niya, “It’s time for me na magtrabaho na.”


Bagama’t fun-fun ang sitcom pero sineseryoso ito ni Andres, “I treat talaga na trabaho, I prepare, I memorize, I read the script, I practice, nagwo-workshop din ako, so hindi light (work) talaga, I really try my best talaga.”


At ngayong kumikita na si Andres ay puro ipon lang ang ginagawa niya.


“Savings lang talaga, iniipon ko ‘yung pera ko kasi in this job rin naman, hindi mo alam kung ano'ng mangyayari, kaya savings muna habang bata pa ako, habang nagtatrabaho ako, gusto kong mag-save,” pagkakadiing sabi ni Andres.


Sa tanong namin kung ano ang binili niya sa unang pay check niya, “Dati-rati, nasa high school, ‘yung first check ko sa commercials, puro bagay lang, sapatos, pero ngayon, wala, ipon lang talaga,” sagot niya.


Samantala, may issue palang nag-date sina Andres at Kyline Alcantara.

“No po, I met her through Atasha, but date, ‘di po. Nakita ko nga rin (write-ups), pero no po,” pagtanggi ni Andres.


Aminadong wala sa bokabularyo niya ang date-date dahil mas gusto niyang mag-focus sa trabaho niya bilang baguhang aktor.


Anyway, sumabay sa nakakaaliw na kuwento ng Persival family at ng kanilang bakery na ‘The Bake Haus of You’. Magsisimula ang problema ng pamilya dahil sa kagagawan ng dating BFF ni Aga (gagampanan ni Roderick Paulate) na pababagsakin ang negosyo nila. 


Dito lalabas ang tatag ng Persival family sa kanilang pakikipaglaban na mailigtas ang kanilang bakery business.


Siguradong halu-halong emosyon ng lungkot at katatawanan ang hatid ng Da Pers Family sa mga viewers. 


Ito rin ang pinakahihintay na reunion nina Aga at Charlene sa kanilang mga dating kasama sa Oki Doki Dok na sina Bayani Agbayani, Roderick Paulate, at ng director na si Direk Danni Caparas.


Tampok din sa star-studded cast ng Da Pers Family sina Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colin, Sam Coloso, at marami pang iba.


Huwag palagpasin ang Da Pers Family tuwing Linggo, simula Hulyo 21, 7:15 PM sa TV5. May catch-up airings din sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 PM. 


Para sa karagdagang updates, i-follow ang social media accounts ng TV5 o bisitahin ang TV5 website. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page