Nakikitsismis kina Jolina at Kyla… REGINE, PROUD MARITES
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 1, 2022

Hahahaha! Nakakalokah ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez!
Imagine, pinangatawanan talaga niya ang pagiging certified Marites?
Maraming netizens ang naaliw sa kanya nang ‘panindigan’ nito ang pagiging Marites.
Nitong nakaraang Biyernes, nag-post ang singer ng ilang litrato kasama si Francine Diaz upang batiin ito ng kanyang 18th birthday.
“Thank you po, Ms. Reg!” ang pasasalamat ng young actress sa batikang singer.
Sa nasabing larawan ay parang nakiki-chismis ang Asia’s Songbird kina Francine at Krystal Brimner. Kuha ang mga litrato sa labas ng ASAP Studio sa loob ng ABS-CBN compound.
Ang caption ni Regine sa kanyang post, “'Yung nasa Top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common, right? So, malamang, ako talaga ‘yun,” ani Regine.
Sa inilabas kasing listahan na mga certified Marites umano ay isa ang name ng singer sa mga nakasulat, although, wala namang family name ang mga pangalan na nakalista.
Matatandaang ibinahagi ni Regine ang nasabing listahan noong ika-15 ng Enero. Sambit pa nga niya, dismayado siya dahil hindi siya nakasama sa Top 10.
“But actually, I’m a little disappointed kasi No. 29 ako. I was expecting at least Top 10, 'di ba, so ito na, since I have a reputation now as one of the top Marites… Oh ha!” sambit ni Regine.
Pinatotohanan naman ni Jolina Magdangal ang pagiging Marites ni Regine at sinabing ginagawa umano talaga ito ng kanyang kapwa singer sa totoong buhay.
“Ate Reg! Ganyan ka talaga! Hahahaha!!! Naalala ko nu'ng nag-chichikahan kami ni Kyla, kakalabitin mo pa kami, tapos sasabihin na ‘Ano 'yun? Ano 'yun?’ Hahahahaha!” ani Jolina.





Comments