top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakikipag-mahjong daw kay Tita Cory… RESBAK NG MGA MADRE: MALISYOSO! FAKE NEWS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 3, 2022


Tinawag na “fake news” ng isang opisyal mula sa Order of the Carmelites based on Mabolo, Cebu City ang eksenang nagma-mahjong ang yumaong former president na si Corazon C. Aquino kasama ang tatlong madre sa Maid in Malacañang movie.


It’s a fact that during the EDSA revolution noong 1986 ay kinanlong sa kanilang kumbento ng mga Carmelite nuns si Pres. Cory para proteksiyunan mula sa posibilidad na dakpin ng militar.


Ayon pa sa Order of the Carmelites, hindi na raw nagulat ang mga madre sa ipinalabas na teaser ng Maid in Malacañang.


Ang paulit-ulit na sinasabi ng gumawa ng Maid in Malacañang, ang kuwento raw ng pelikula ay tungkol sa last 72 hours ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Palasyo.


Ang naturang official ng Order of the Carmelites ay isa sa mga madre na nag-accommodate kay Pres. Cory sa loob ng kumbento pagkatapos um-attend sa series of rally sa Cebu City.


Ayon pa sa kanya, pumasok daw si Pres. Cory sa kumbento at 9 PM noong February 22, 1986, ang first day ng EDSA People Power Revolution, pero umalis din daw ng monasteryo bandang 11 nang umaga kinabukasan dahil kinailangan nang bumalik ng Manila.


Samantala, naglabas ng official statement ang Order of the Discalced Carmelites tungkol sa eksenang nagma-mahjong ang mga madre kasama ni Pres. Cory. May nagparating daw ng mga larawan mula sa nabanggit na eksena sa Maid in Malacañang.


Wala raw lumapit sa kanila from the production of the movie para alamin ang totoong nangyari habang nasa loob ng kanilang monasteryo si Pres. Cory. At marami raw sa mga madre sa Carmelite Monastery sa Cebu noong 1986 ay buhay pa and “mentally alert.”


“After all, many of those nuns in Carmelite Monastery of Cebu 1986 are still very much alive and mentally alert,” lahad ni Sis. Mary Melanie Costillas ng Carmelite Monastery.


“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games,” lahad pa ni Sis. Costillas.


Nagdarasal, nagpa-fasting at nag-aalay daw sila ng iba’t ibang forms of sacrifice para sa kapayapaan ng bansa at manaig ang kagustuhan ng sambayanan.


“Thus, the pictures would trivialize whatever we had to restore democracy. But there is more to the pictures than the trivialization,” sabi pa ni Sis. Mary.


Oo nga pala, noong Lunes, August 1, ang ika-13 taong anibersaryo ng pagyao ni Pres. Cory. At nakaka-miss na walang mahabang mensahe si Kris Aquino bilang pag-alala sa kamatayan ng kanyang ina.


Kunsabagay, may sarili rin kasing pinagdaraanan si Kris at mukhang she’s dead serious sa kanyang pagpapa-treat sa US para sa kanyang paggaling.


Naku, kung nasa magandang kalusugan lang si Kris ngayon, for sure, nag-react na ‘yan sa eksenang nagma-mahjong si Pres. Cory.


Deevah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page