Nakasuot ng maternity dress… BAGONG GF DAW NI DIEGO NA SI FRANKIE, KALAT NANG BUNTIS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 18, 2022

Natsitsismis na buntis umano ang model na si Franki Russell kay Diego Loyzaga.
Magmula nang umamin ang aktor matapos niyang idenay nu'ng una na "such a thing" lang sa kanya ang former PBB housemate ay lagi nang napagkikita na magkasama ang dalawa.
Eventually, kinumpirma rin naman ni Diego na they are indeed dating.
Pagpapatuloy ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, marami silang things in common ni Franki.
Hanggang lately, heto na nga at natsismis na buntis si Franki dahil nakita siyang nakasuot ng maternity dress.
Kinlaro naman agad ng modelo ang tsika. Ibinahagi niya ang isang larawan kung saan naka-maternity dress siya, pero sa caption, aniya, “Just to avoid any screenshots being taken out of context, no I wasn't pregnant."
Aniya pa, “Modeling the maternity wear.”
Tanong naman ng ilang netizens, kung hindi siya buntis, bakit siya pumayag na mag-endorse ng maternity wear gayung puwedeng-puwede naman na sexy apparel for younger ladies ang imodelo niya?
Just asking ang mga Marites.





Comments