Nakaraan nila, kaya ibinulgar… ALDEN, SUNUD-SUNURAN DAW SA SIYETE PARA LANG MAPASIKAT SI JULIE ANNE
- BULGAR
- Jan 30, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 30, 2023

Ramdam ang malaking tuwa ng mga winners sa ginawang First Myriad Esports Cup nang tanggapin ang check sa kanilang pananalo.
For the champion, P250,000 ang inuwi nilang pera. Ang first place ay tumanggap ng P150,000, ang second place ay nag-uwi ng P75,000 at ang third place ay nanalo ng P25,000.
Hindi lang cash prize ang inihandang premyo ni Alden Richards bilang CEO at
owner ng Myriad Esports dahil may scholarship grant din ang winning team na bigay ng AR Foundation ni Alden. Ang team ang pipili kung sino sa mga members ang tatanggap ng scholarship grant.
Hindi ru'n nagtapos ang prizes sa mga winners dahil binigyan din sila ng pangkabuhayan showcase sa pamamagitan ng franchise ng King & Queen Tea, Tip-top at Tah-mee. Ang maganda pa, pati coach ng winning team, may pangkabuhayan showcase rin, magiging franchise owners sila ng mga nabanggit na produkto.
Sabi tuloy ng mga fans ni Alden, kahit anong pamba-bash ang gawin sa aktor, good karma pa rin ang naa-attract nito dahil in his own way, tinutulungan ang mga tao na ma-improve ang way of life nila. Siguradong mas maraming sasali next year sa Myriad Esports Cup dahil sa prizes na tatanggapin ng mga winners.
Dahil din sa first Myriad Esports Cup, natupad ang dream ni Alden na maging director dahil siya ang director sa ginanap na finals. Kaya “Direk Alden” na rin ang tawag sa kanya.
Speaking of Alden, malaking insulto sa kanya ang akusasyon ng ibang fans na sunud-sunuran siya sa GMA Network. Dinidiktahan daw siya ng GMA at Sparkle kung ano ang sasabihin sa mga interviews, gaya ng pasabog niya sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda na inaming muntik niyang maging girlfriends sina Julie Anne San Jose at Winwyn Marquez.
Diniktahan daw siya ng kanyang management para tulungang sumikat si Julie na unfair din sa aktres dahil hardworking ito at mahusay na singer at artista. Ipinakita nito ang husay sa pag-arte sa Maria Clara at Ibarra at hindi niya kinailangang i-promote at i-push pa ni Alden.
Pinalalabas ng mga bashers ni Alden na wala siyang sariling pag-iisip at sunud-sunuran sa kanyang management. Hindi siya magiging mahusay na aktor at businessman kung sunud-sunuran siya sa gusto ng iba. Give him the credit, guys!





Comments