Nakaligtas nu'ng una… HEART ATTACK NA IKINAMATAY NI JACLYN, PANGALAWANG BESES NA
- BULGAR
- Mar 6, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 6, 2024

Tulad ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez, talagang well-loved sa movie industry si Jaclyn Jose. Mahigit apat na dekada kasi siya sa showbiz at nakaganap na sa iba't ibang klaseng roles.
Nakatrabaho na rin niya ang maraming artista at lahat ay may magagandang anekdota at alaala tungkol sa kanya.
Kaya labis na ikinabigla at ikinagulat ng mga Kapuso stars ang biglaang pagkamatay ni Jaclyn Jose due to heart attack tulad nina Andrea Torres, Kylie Padilla, Gladys Reyes, Jeric Gonzales, Marian Rivera at iba pa na nag-post ng kanilang mensahe para sa premyadong aktres sa industriya ng showbiz.
Bagama’t sa mga sexy movies nagsimula si Jaclyn Jose tulad ng kanyang launching movie na Private Show, pinatunayan naman niya na isa siyang aktres at hindi lang paghuhubad ang kaya niyang gawin.
Sa lumang interview, naikuwento ni Jaclyn Jose na nu’ng 2017 ay nagkaroon na rin siya ng heart attack sa banyo habang nagbabakasyon sa bahay niya sa Laguna, pero naitukod naman niya ang kanyang kamay nang siya’y matumba. Na-injured lang naman ang kanyang braso at na-plaster cast ito.
Pero last Saturday (March 2), walang kasama si Jaclyn Jose nang ma-heart attack. Patay na siya nang dumating ang ilang kamag-anak tulad ni Gabby Eigenmann.
Sa ngayon, nagluluksa ang anak niyang si Andi Eigenmann sa biglang pagpanaw ng kanyang Nanay Jaclyn.
Samantala, nasa USA ang isa pang anak ni Jaclyn na si Gwen.
Malaking kawalan sa movie industry ang pagpanaw ng aktres. Huli niyang TV appearance ay ang Batang Quiapo with Coco Martin. Huling pelikula naman niya ang Pieta kasama sina Nora Aunor, Gina Alajar at Alfred Vargas.
Comentários