top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakalagay daw sa mga papeles… SEN. GRACE, IDINIIN NA SIYA LANG ANG NAG-IISANG ANAK NINA FPJ AT SUSAN

BULGAR
May 30, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 30, 2022



Marami ang nag-react sa sinabi ni Sen. Grace Poe sa eulogy para sa kanyang yumaong ina na si Susan Roces. Mukha raw may hugot at pasaring ito kahit hindi niya diretsahang binabanggit kung sino ang kanyang pinatutungkulan.


Marami rin ang nagtataka kung bakit niya binanggit sa kanyang eulogy na sa mga papeles ng kanyang mga magulang na sina FPJ at Susan Roces ay pangalan lang niya ang nakalagay na kanilang anak.


Tuloy, may mga nagtatanong kung may mga naghahabol ba sa naiwang properties nina FPJ at Susan?


At bakit kailangan daw na banggitin pa ito ni Sen. Grace sa kanyang eulogy?


Anyway, ang magandang naibahagi ni Sen. Grace ay ang tungkol sa paghahanda ng kanyang ina sa maraming bagay-gamit na kanyang iniwan.


Noon daw panahon ng COVID pandemic ay nag-ayos-nagligpit na ng mga gamit ang kanyang ina. Binilinan na rin siya kung ano ang gagawin sa mga ito kaya hindi na siya mamomroblema pa sa mga naiwang gamit ng kanyang ina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page