top of page
Pokwang.jpg

Nakalaban ng mister na si Mar last election…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
2 min read

KORINA, UMAMING DAHIL KAY P-DIGONG KAYA 'DI MAKABALIK SA PAGBABALITA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 17, 2020




Ayon kay Korina Sanchez, hindi pa siya handang bumalik para sa mga hard news. Nag-i-enjoy pa raw siyang walang nakakaaway kapag siya ay nagbabalita.


Si Korina ay well-known veteran broadcaster ng bansa. Matagal-tagal na rin siyang hindi nag-uulat, kaya may mga nagtatanong kung kelan niya babalikan ang hard news, lalo na ngayong lumipat na siya ng istasyon.


Aniya, tutok muna siya sa kanyang magazine show na napapanood sa TV5, ang Rated Korina.


Ang kanyang dahilan, ayaw na raw niyang magkaroon ng mga kaaway at tahimik na ang kanyang buhay.


“For now, I’m really enjoying not having enemies. I’m really enjoying just doing light things, human interest stories, helping people regardless of political inclinations. So tahimik muna ang buhay ko ngayon.”


Ayon pa sa beteranang anchor-host, ayaw din niyang maging kumplikado lalo pa’t ang mister niyang si Mar ay parte ng opposition ng current administration.


“And ako mismo naman ang nagsabi na ‘Well, you know, it’s not a secret na 'yung asawa ko ay nakalaban ng kasalukuyang president. And parang hindi tama sigurong panahon na bumalik ako sa hard news,'” esplika niya.


Siguro raw, pagkatapos na ng kasalukuyang administrasyon.


“Siyempre, kahit na sabihin mong wala kang bias, you know, objective ka… May magkukuwestiyon at magkukuwestiyon sa 'yo, eh.


“Kaya kahit sa social media, hindi ako nagkokomento. Wala akong mga political editorials, stay away from it. The one time I complained about traffic, dyusko, talaga namang grabe may tsunami.”


Matatandaang ang huling hard news na iniulat ni Korina ay nu’n pang Yolanda typhoon 2013 kung saan nagkaroon sila ng hidwaan ng CNN news anchor na si Anderson Cooper.


November 2014, umalis si Korina sa kanyang radio talk show sa DZMM.


Nawala rin siya sa TV Patrol kung saan isa siya sa lead anchors ng news program ng ABS-CBN nu’ng 2015.


Aniya, nag-focus siya sa kanyang online courses sa Ateneo de Manila University at London School of Economics para sa kanyang Master’s degree ng Journalism.


Sa ngayon, ipinagpapasa-Diyos na lang ni Korina ang pagbabalik niya sa hard news. Kung meant daw talaga sa kanya ang trabahong ‘yun, makakagawa ng paraan para siya ay makabalik.


“But you can never take that away from you kung du'n ka na talaga, 'di ba? Kung 'yun talaga ang pagkatao mo. Mababalikan at mababalikan pa rin natin ‘yan sa tamang panahon.


“Hanggang kailan? Hindi natin masasabi,” pagtatapos ni Korina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page