top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nakakasawa ang ayudang instant noodles at de-lata

  • BULGAR
  • Oct 15, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 15, 2021


Tag-ulan na sa bansa, at kasalukuyang binabayo ang ilang lugar sa bansa dahil sa Bagyong Maring, na nagdulot na ng pagbaha sa mga bayan sa Cagayan Valley, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region.


Umaasa tayong mabilis na kikilos ang pamahalaan upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga kababayan nating apektado.


☻☻☻


Sa usapin ng ayuda, hinihimok natin ang Department of Social Welfare and Development na magsama rin ng mga sariwang produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda sa mga relief packages sa halip na puro de-lata at instant na pagkain ang ipamimigay.


Ipinaalam natin ang mungkahing ito sa nakaraang hearing ng DSWD noong Lunes.


Marami na ang nagpahiwatig ng pagkabahala na nagiging “laman tiyan” lamang ang mga ayuda, at walang sustansiyang ibinibigay.


Ang sinasabi nga, nagmumukhang “de-lata” na rin ang madalas tumanggap ng ayuda dahil puro iyon na ang kanilang kinakain.


☻☻☻


Nawa’y maging bukas ang DSWD sa suhestiyon natin, at makipag-ugnayan sila sa ating mga magsasaka’t mangingisda para maging mas masustansiya ang bigay na ayuda.


Mabibigyan din ng pagkakataong matulungan ang mga magsasaka’t mangingisda na madalas ding biktima ng mga kalamidad.


Sana, sa mga susunod na pagkakataon, mapaliwanagan tayo ng DSWD kung paano maaaring i-operationalize ang ganitong sistema.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page