Nakakaabala raw sa mga tindero… RESBAK NI COCO: SHOOTING NAMIN SA QUIAPO, MAY BASBAS NI MAYOR!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 23, 2023

Sinagot na ni Coco Martin ang banat sa kanya ng online personality na si Rendon Labador kamakailan.
Ani Rendon, nakakaabala umano sa mga negosyante sa Quiapo ang pagsu-shooting ng seryeng Batang Quiapo na pinangungunahan ni Coco.
"Nakakaabala ka na sa mga negosyanteng vendors natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa paggamit mo ng lugar, umalis-alis ka na d'yan."
Sa report ng TV5, sinabi ni Coco kung paano niya hinaharap ang kanyang mga kritiko.
"Kill them with kindness," sabi ni Coco.
At dinugtungan niya ng, “Kapag hitik ang bunga, talagang may babato’t babato sa 'yo."
Isine-share raw niya ang blessings na natatanggap sa mga taong may magandang kalooban.
He believes that there are more important things to face.
Esplika pa niya, formal silang nagpaalam sa mga awtoridad. Nakipag-coordinate rin daw sila sa local government to hold their shooting.
May permit din daw sila mula sa Manila mayor, sa local police, Quiapo Church, at Muslim community.





Comments