top of page

Nakahilig ang mukha sa balikat ng negosyante… BEA AT VINCENT, OBYUS NA MAGDYOWA NA TALAGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 4, 2025



Photo: Bea at Vincent - IG


Ang daming excited sa love life ng Kapuso actress na si Bea Alonzo. Bawat kembot ni Bea with her businessman boyfriend na si Vincent Co, nagba-viral sa social media.

Even ang latest post sa Instagram (IG) ng road manager ni Bea na si Cristina “Nina” Ferrer ay pinagpiyestahan.


Kasama kasi ni Nina sa larawan na ipinost niya sa IG ang magkasintahang sina Bea at Vincent. Napaka-sweet ng pose ng aktres with Vincent sa piktyur, nakahilig ang mukha ni Bea sa balikat ng BF habang napakatamis ng kanyang ngiti.


Prior to this, may piktyur din sina Bea at Vincent na nag-viral sa socmed kasama ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero, pati ang iba pa nilang mga kaibigan.

Sa piktyur na nabanggit, kitang-kita na nakaangkla ang kamay at braso ni Vincent sa balikat ni Bea.


Needless to say, magkarelasyon na talaga sina Bea at Vincent. Hindi na kailangang magsalita pa ni Bea or kahit ni Vincent kung ano ang real score sa kanilang dalawa.


Gaya ng kasabihan sa showbiz, what you see is what you get.

Pero siyempre, iba na kapag pinag-usapan na ang kasalan. Maraming fans ni Bea ang nagwi-wish na si Vincent na ang ‘the one’ for her. But at the same time, may nagne-nega rin.


Sey ng mga netizens, “Kung s’ya na nga ang the one ni Bea,  50/50 pa. Uncertain kung magkatuluyan sila.”


“1 year max ‘pag 40 ni Bea at sila pa rin, gora na sa kasal.”

“She just needs to be quiet and play nice until he marries her (smiling emoji).”

Sabeee?



NAALIW si It’s Showtime (IS) host Anne Curtis sa ginawang video sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya noontime show last Monday. Ang naturang video ay naka-post sa X (dating Twitter) account ng IS.


Caption sa video na naglalaman ng mensahe ng mga Kapamilya sa pagbabalik ni Anne, “Ano’ng masasabi ng Madlang People sa pagbabalik ni Anne Curtis? Anne Curtis is now on her SECOND DAY! (kissing emoji).”


Nagmistulang promo ng pelikulang palabas na sa mga sinehan mula sa Star Cinema ang video na ginawa ng IS for Anne na nagre-request na mas maraming araw pa siyang mapanood sa Kapamilya noontime show. Kasi nga, madalas wala sa noontime show ang host-actress.


Caption naman ni Anne sa ini-repost n’ya na video sa X kahapon, “OMG KAYO! Hahahaha! THE EFFORT FOR THE PLAYTIME! LOVE YOU GUYS HAHAHAHAHAHAHA TAWANG-TAWA AKO!”

Nag-comment ang madlang pipol sa post ni Anne:


“Unti-unting bumabalik na saya ko… sana, ‘di ka na um-absent ng 10 years…”


“May pang-3rd day po ba, Ms. @annecurtissmith?”


“You are really a ball of sunshine sa Showtime. Hindi ako nanonood ‘pag wala ka kasi masaya ‘pag kumpleto ang quadro na Vhong, Jhong, Anne and Vice.”


“Sana po mag-blockbuster ‘yung movie n’yo, Ate Anne, Hahahaha!”


“Mima! Feeling ko mae-extend ‘yan hanggang 1 month. Superdupermega blockbuster kasi!”

Anyway, ang dami pa rin talagang nakatutok sa IS mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z, GMA-7, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page