Nakahanap ng katapat… RUFFA, TAOB SA KADALDALAN NI MARIEL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 29, 2022

Kilalang napaka-outspoken ni Ruffa Gutierrez kapag sumasalang na sa talk show. At kapag guest naman, non-stop na kung magkuwento sa maraming bagay-bagay.
Minsan, kahit na top secret pa ay nasasabi na niya dahil hindi nga niya mapigil ang kanyang pagiging Marites.
But in fairness, very pleasant naman si Ruffa bilang host o kahit kapag nagge-guest sa mga talk shows. Hindi siya annoying at hindi offensive kapag nagbibigay ng kanyang opinion at komento.
Nang ma-meet ni Ruffa si Mariel Padilla sa launching ng AllTV, super chika agad sila.
Kaya rito nagkaideya ang mga big bosses ng AllTV na pagsamahin sina Ruffa at Mariel sa isang morning talk show kasama si Ciara Sotto.
At nabuo nga ang programang M.O.M.S. (Mhies on a Mission) na nagsimula nang umere kahapon (Lunes, Nov. 28) sa AllTV Channel 2.
Aminado si Ruffa na nakatagpo na siya ng katapat. Mas madaldal daw sa kanya si Mariel. Hindi niya kinakaya ang sobrang energy ni Mariel kapag nasa set na sila ng M.O.M.S.. Sanay na sanay kasi si Mariel sa pagla-live selling niya na minsan ay inaabot nang limang oras ang pagdadaldal sa pagbebenta ng kanyang mga items.
Kaya naman, masigla at alive na alive siya kapag nasa harap ng kamera.





Comments