top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakabuti sa Shopee dahil trending… TONI, WA' PAKI KAHIT IBOYKOT NG MGA KAKAMPINK

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 2, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 2, 2022



Mukhang “Woman of the Hour” ngayon si Toni Gonzaga dahil siya na naman ang paboritong pag-usapan ng mga Marites sa social media at maging sa mundo ng showbiz.


Umani ng pagbatikos ang naging announcement na siya ngayon ang bagong Shopee ambassador.


Nataon naman na nagkaroon ng streamlining ang nasabing online shopping app kaya isinisisi ng marami kay Toni ang pagbabawas ng mga empleyado ng Shopee.


Masyado raw malaki ang talent fee na ibinayad kay Toni kaya kailangan na magbawas ng mga empleyado.


Well, alam ng lahat na walang katotohanan ang nasabing akusasyon sa TV host-actress.


Hindi pa kinukuha ng Shopee si Toni ay plano na ang pagbabawas ng mga tauhan dahil sa pagbagsak ng ekonomiya.


Nakahanap lang ng masisisi ang ilan at si Toni G. ang kanilang nasentruhan.


Kumalat pa ang tsikang lahat daw ng Kakampink ay inalis na ang kanilang Shopee app nang malaman na si Toni ang bagong endorser.


Well, dedma, as in walang kiber si Toni sa bagong “cancel issue” sa kanya ngayon.


Nakatulong pa nga ito sa promo dahil nag-viral ito at trending sa Twitter.


Marami namang netizens ang nagtataka kung bakit ganito ang reaction kay Toni.


Naunang endorser ng Shopee sina Willie Revillame, Kris Aquino at Marian Rivera, pero walang naging issue.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page