top of page
Heart Evangelista - IG.jpg

Nakabuntis sa edad na 16… BUGOY, UMAMING NAISIP IPALAGLAG ANG ANAK NILA NI EJ

  • BULGAR
  • Jun 20, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 20, 2022



Napanood namin ang interbyu ni Karen Davila sa dating child actor na si Bugoy Cariño.


Sa reyalidad, siya ang matatawag na 'Batang Ama' dahil sa edad na 16 ay nabuntis niya ang hinahangaan lang daw niyang volleyball star na si EJ Laure.


Varsity player pa lang si EJ ng University of Sto. Tomas ay nakikita na lagi sa UAAP audience ang aktor at nanonood. Hanggang pansamantalang tumigil sa paglalaro ang girl dahil natsismis ngang preggy ito.


Tanong ni Karen, ano ang naramdaman ni Bugoy nang malamang buntis ang girlfriend?


"Natakot po ako, as in."


Dahil 16 years old going to 17, hindi raw talaga niya alam ang gagawin.


Nu'ng time pa naman daw na ‘yun ay nasa peak na siya ng kanyang career, ganu’n din daw si EJ na isa nang national player dahil kinuha ng Team Foton.


Ang una raw niyang naisip ay ipalaglag ang bata. Okey naman daw sa kanyang partner, pero sa desisyon daw na ‘yun ay nagdalawang-isip siya.


Iyak siya nang iyak lalo at hindi pa niya nasasabi sa pamilya niya ang kanyang problema.


In the end, sinabi rin niya sa kanyang family at kinausap ang ama.


Sinabihan daw siya ng ama na “walang ba**g” kung itutuloy nilang ipalaglag ang bata.


May nagpayo sa young actor na idemanda niya si EJ dahil menor-de-edad pa lang siya samantalang nasa hustong gulang na ang girl.


Aniya, "Bakit ko siya idedemanda, eh, ina siya ng anak ko? Hindi ko sila sinunod saka mahal ko siya."


Tanong uli ni Karen, sino ang nagbayad sa hospital nang manganak si EJ?


"Dapat po, ang magbabayad ay ang Foton, ang team ni EJ. Hindi po ako pumayag, gumawa po ako ng paraan. Mabuti na lang po, may insurance savings kami sa ABS-CBN, ‘yun po ang ginamit. Pero malaki pa rin po ang kailangan kasi caesarean siya, but salamat sa Diyos at nairaos ko rin."


Kuwento pa ni Bugoy, mabuti na lang daw, bago nagbuntis si EJ ay nakapagpatayo siya ng water station business kaya ru’n daw nila kinukuha ang panggastos nila.

Pero hindi raw sapat, kaya pati ang pag-o-online selling ay pinasok na rin niya.


Sa ngayon ay three years old na ang anak nina Bugoy at EJ, si Scarlet.


Ayon naman sa partner niyang si EJ, good provider si Bugoy at mapagmahal na ama, a responsible man.


May netizens naman na hindi sinang-ayunan ang pag-iinterbyu ni Karen sa batang ama.


"Ayaw kong panoorin kasi ayaw ko silang bigyan ng views. Pero si Karen, romanticizing this relationship? Disappointing."


"Parang ganu’n na nga, a journalist like her should know better. Maraming makakapanood na bata at iisipin na okay ang ganitong klaseng relationship."


"Gusto kong lawakan ang understanding ko at I don’t wanna sound judgmental. Maybe minahal talaga nila ang isa’t isa kasi marami na silang pinagdaanan together at matatag pa rin ang relationship nila."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page