Nakabasag ng vase, mas mahal pa raw sa buhay niya… RYZZA, BINILI ANG BAHAY NG NANG-API SA KANYA
- BULGAR

- Jun 10
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 10, 2026

Photo: Ryzza Mae sa Toni Talks - YT
Ibang klase ang pinagdaanan ng TV host na si Ryzza Mae Dizon bago niya natupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Kamakailan lamang, nag-guest si Ryzza sa YouTube (YT) channel ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT).
Sa kanilang panayam, ibinahagi niya ang masasakit na salitang narinig niya noong 6 yrs. old pa lamang siya.
Ayon kay Ryzza, ang karanasang iyon ay isa sa mga hamon na kanyang hinarap bago niya nakamit ang tagumpay na tinatamasa ngayon.
Ibinahagi ni Ryzza ang tungkol sa mga naranasan niya sa mga naging kaibigan noong bago ang grand finals ng Little Miss Philippines 2012 ng Eat… Bulaga! (EB!).
Saad ni Ryzza, “Before sumalang sa grand finals, may mga bonding kami. Pumunta kami sa Ocean Park, may mga naging friends ako ru’n. Tapos, nu’ng parang finals na, nasabihan ako na, ‘We’re a princess, you’re a monster,’ sabi nu’ng girl. Tapos, ‘yung isa pang girl na naging friend ko, nu’ng finals, parang nagiging mean na s’ya, inapakan na ‘yung shoes ko.
“‘Di ko na alam kung sino ang kakampi ko ru’n kasi ganu’n na ‘yung nangyari. Pero okay naman po.”
Tanong ni Toni, “Buti ‘di ka pinanghinaan ng loob, 6 (yrs. old) ka lang nu’n?”
Saad ni Ryzza, “‘Di naman po, pero nalungkot lang ako kasi ‘yun ‘yung nangyari nu’ng grand finals.”
Tinanong ni Toni si Ryzza kung paano naiwasan ang mga problemang madalas na kinahaharap ng ilang child stars habang lumalaki sa industriya.
“Alam mo ba na ang mga child stars na lumalaki sa industriya ay kadalasang may tendency magkaroon ng problematic life? Ikaw ang ‘di ko narinig na dumanas ng ganu’n,” ani Toni.
Nagpasalamat naman si Ryzza at ibinahaging malaking papel ang ginampanan ng kanyang pamilya at ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Saad ni Ryzza, “Thank the Lord po. ‘Di po talaga, kasi napapalibutan po ako ng tamang tao. Nand’yan din po ang mga magulang ko para gabayan ako. Alam ko rin po ang mga pinagdaanan namin noon dahil ‘di naging madali ang buhay namin.”
Ikinuwento rin ni Ryzza ang isang karanasang tumatak sa kanyang isipan noong bata pa siya.
Aniya, “May kapitbahay po kami na malaki ang bahay. May dumating silang balikbayan na apo at nakipaglaro po ako. Medyo nasagi ko po ang isang vase at maliit lang naman ang nabasag. Pero nasabihan po ako ng, ‘Mas mahal pa ‘yan sa buhay mo.’”
Ayon kay Ryzza, naging inspirasyon niya ang karanasang iyon upang magsikap sa buhay.
Sabi niya, “Tumatak po ‘yun sa akin. Sabi ko sa sarili ko, ‘Balang-araw, magsisikap talaga ako para ‘di na ako masabihan ng ganu’n.’”
Nang tanungin ni Toni kung ilang taon siya noon, sinabi ni Ryzza na lima o anim na taong gulang pa lamang siya bago sumali sa EB!.
Sa nasabing panayam, nagbahagi si Toni ng paalala tungkol sa epekto ng mga salita sa mga bata.
“Reminder ‘yan sa ating lahat na ang mga simpleng salitang binibitawan natin sa isang bata ay maaari nilang dalhin hanggang sa pagtanda. ‘Di mo makakalimutan lahat ng masasakit na sinasabi sa ‘yo,” ani Toni.
Saad ni Ryzza, “‘Di ko po kinalimutan ‘yun. May plot twist po ‘yun, Ms. Toni.”
“Ano’ng plot twist? ‘Yan ang inaabangan ko,” sagot ni Toni.
Saad ni Ryzza, “Nu’ng nanalo po ako, nabili ko po ang bahay nila.”
“Ayyy, parang teleserye! ‘Yan ang sinasabi ko, ‘wag kayong mang-api ng bata dahil balang-araw, bibilhin nila ang bahay ninyo!” ani Toni.
You’re absolutely right, Toni. It’s best to stay humble because falling from the top is incredibly hard.
Pak, ganern!





Comments