top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Naka-relate sa kapwa aktor… ROBIN, DUMALAW KAY RICARDO SA KULUNGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 12, 2023



Labis na ipinagpapasalamat ng aktor na si Ricardo Cepeda ang pagdalaw sa kanya ni Sen. Robin Padilla kasama sina Jay Manalo, Nadia Montenegro at Lorenzo Marra.


Ilang linggo nang nakakulong sa Camp Karingal sa QC si Ricardo dahil sa 23 counts ng syndicated estafa na isinampa sa kanya.


Mariin namang itinanggi ng aktor ang mga akusasyon sa kanya. Wala raw siyang alam sa kumpanya na nanloko sa mga taong nagrereklamo. Kinuha lang siyang brand ambassador ng produkto at wala siyang alam sa mga transactions sa mga kliyente ng kumpanya.


Samantala, gumaan ang pakiramdam ni Ricardo sa pagdalaw sa kanya nina Sen. Robin, Jay, Nadia at Lorenzo. Naramdaman niya na may mga taong nagmamalasakit pa rin sa kanya.


Nakaka-relate naman si Sen. Robin sa sitwasyon ni Ricardo Cepeda. Naranasan din niya kasi ang makulong noon nang kinasuhan siya ng illegal possession of firearms.


Ang pagdamay-pagdalaw noon ng kapwa artista ay malaking tulong upang kayanin ni Binoe ang buhay sa kulungan. Kaya naman, gusto rin niyang bigyan ng moral support ang kapwa artistang si Ricardo Cepeda.


Wish naman ng mga kaibigan-pamilya ni Ricardo ay manaig ang katotohanan at mapawalang-sala siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page