Naka-P520 M na, humahataw pa rin… PARTE NG KITA NG KATHDEN MOVIE, IDO-DONATE SA TYPHOON VICTIMS
- BULGAR

- Nov 20, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 20, 2024
Photo: Kathryn at Alden - KathDen FB
Palakas nang palakas ang gross income ng Hello, Love, Again (HLA) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Umaabot na ng more than half a billion pesos ang earnings nito sa Philippine cinemas nationwide.
Ayon sa report ay naka-reach na ng P520M ang HLA as of November 18.
Nag-Top 8 din ito sa Top 10 current movies in the US and earning $2.4M nitong opening weekend lang.
Sa interview sa KathDen, part of the earnings of their movie will be given to typhoon victims. Pupunta ng US ang KathDen to meet their loyal fans who supported their movie.
Ang tanong, matalo kaya ng HLA ng KathDen ang nag-break sa first-ever record nilang Hello, Love, Goodbye (HLG) na Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes?
Naaliw ang mga netizens sa bardagulan ng magkaibigang Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.
Nag-post kasi ang young actress sa kanyang socmed (social media) account ng bagong bili niyang scooter at pinangalanan itong “Baby Burgy”. Tinukso siya ng aktor at sinabing sesemplang siya kapag ginamit na niya ang scooter.
Hindi pinalampas ni Xyriel ang komento ng kaibigang actor.
Ani Xyriel sa kanyang post, “YES!!! ABOT KO, OPO! Another big girl purchase. NEW BABY! BABY BURGY.”
Dagdag pa niya, “Whenever I need to get away. I know I can count on it.”
Komento ni Zaijian, “Ano ba ‘yan! Parang sesemplang pa sa huli, eh.”
Hindi naman nagpatalo si Xyriel at sinagot ang aktor ng, “@zaigj Kwento mo sa semplang mo sa SCOOTER na laruan, ew,” na lalong nagpasigla sa kanilang palitan ng asaran.
Nagpahabol naman ng banat si Zaijian, “@xyrielmanabat_ partner na lang kulang, pa-riding in tandem ka na,” na lalong nagpakilig at nagpatawa sa kanilang mga tagahanga.
Naaliw ang mga followers sa kanilang bardagulan.
Sina Xyriel at Zaijian ay halos sabay na naging child star. May mga pinagsamahan silang teleserye na swak na swak sa mga manonood, kaya ang dami nilang mga supporters at followers.
Tanong naman ni Enchong Dee sa young actress, “VROOM… VROOM… saan punta?”
“Airport po. 7:20 ETA,” sagot ni Xyriel.
Pinaalalahanan naman siya ni Gela Atayde, “I’M PROUD OF YOU MY BABY GIRL BUT PLEASE, BE CAREFUL!”
Sina Xyriel at Gela ay nagkasama sa Senior High (SH) at sa part 2 nitong High Street (HS), kung saan magkaibigan sila ng lead actress na si Andrea Brillantes.
Pambato ng 'Pinas na si Chelsea, tinanghal na Miss U Asia… BOY, KINUWESTIYON ANG BAGONG AWARDS NG MISS U 2024
Diretsahan ang komento ni Boy Abunda hinggil sa Miss Universe 2024 na ginanap sa Mexico City kamakailan.
Aniya, “Parang kulang sa kinang.”
Hindi raw siya na-impress sa nasabing competition.
Tanong sa King of Talk, “What are your thoughts about the recently-held Miss Universe?”
Sey niya sa GMA News, “Medyo naguluhan po ako nang kaunti. Even the presentation of the gown, medyo iniba nila. Parang ang feeling ko lang po, ay, parang kulang sa brilyo ‘yung staging.”
Na-disappoint daw siya with how the competition unfolded overall. Palaisipan din daw sa kanya kung ano ang reason at explanation behind awarding the continental queens.
“Continental queen for Asia, queens for different continents. Ang tanong ko, eh, ‘What was that? Was that an afterthought na parang naisip nila para mas ma-engage ang different parts of the world? I didn’t get that whole awarding,” pakli ni Kuya Boy.
Ang Miss Denmark ang kinoronahang Miss Universe 2024, ang first-ever winning ng bansa sa Miss Universe pageantry at si Chelsea Manalo naman ang itinanghal na Miss Universe Asia (2024).












Comments