top of page

Naka-move on na sa hiwalayan… DANIEL, ‘DI NA BINATI SI KATHRYN NU'NG B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 4, 2025





Ang pagkikita nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa gaganaping ABS-CBN Ball tonight ay isa sa mga inaabangan ng mga fans ng dalawa. Hoping ang mga KathNiel fans na magkita at magbatian man lang ang dalawa, magngitian kahit hindi na magbeso.


Pero, kung ang mga solid fans ng dalawa ang masusunod, ayaw nila itong magkita lalo na magbatian pa sina Kathryn at Daniel para hindi na umasa ang mga KathNiel fans na baka magkabalikan pa sila. Wala na raw rason na magkabalikan pa sila dahil pareho na silang nakapag-move on.


Sa comment nga ng isang fan ni Kathryn na baka pasukin na naman ni Daniel ang ex-GF sa dressing room nito para makita at makausap, sagot ng fan ni Daniel, hindi na mangyayari ‘yun. Nakapag-move on na raw si Daniel at magiging masaya ito na ang co-stars sa Incognito ang mga kasama sa designated table nila.


Anyway, birthday ni Daniel sa April 26, at may pa-Twitter party ang mga fans nito. May pa-countdown sila sa 30th birthday ng aktor at nagsimula ang Twitter party nila nu'ng Apr. 1 at magtatapos sa Apr. 26. 


Ginawa ito ng mga fans para raw maging memorable ang birthday ng aktor, iba-iba ang theme nila araw-araw para mas masaya.


Hindi na sila umaasa na babatiin ni Kathryn Bernardo ng ‘Happy birthday!’ si Daniel Padilla dahil hindi rin naman binati ng aktor ang ex sa nakaraan nitong birthday. Saka, naka-move on na nga sila sa isa’t isa.



HINDI bawal na pag-usapan si Barbie Forteza sa mga interbyu kay David Licauco na nagpo-promote ng pelikulang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). May nag-isip kasi na baka pinangbawalan ang aktor na banggitin si Barbie dahil si Sanya Lopez ang kasama niya sa nabanggit na pelikula.


Pero, sa interview kay David ni Nelson Canlas, libre siyang natanong ni Nelson tungkol kay Barbie at libre rin naman nitong sinagot ang mga tanong. 


Kinilig nga ang BarDa fans sa sinabi ni David na, “I just really care about her a lot,” at waiting sila sa mga susunod na gagawin nitong pahayag.


Aminado si David na iba ang turing niya kay Barbie noong karelasyon pa nito si Jak Roberto bilang respeto na rin. At least, walang maibato sa kanya si Jak dahil naging careful si David sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ka-love team. Iba na ang panahon ngayon na pareho na silang single.


Maganda rin ang sagot ni David sa tanong kung may ligawan nang nangyayari sa kanila ni Barbie.


Sey kasi niya, “We have to think na, of course, Barbie just got off from a relationship and we should respect that. Kailangan niyang mag-heal.”


Dahil hindi love team sina Sanya at David sa SNMM at hindi naman romance ang pelikula ni d


Director Benedict Mique, wish ng mga fans na present si Barbie sa premiere night ng movie sa Apr. 10, suporta raw kay David at kay Sanya na rin at sa iba pang kasama sa movie.



NONCHALANT si Mark Herras sa balitang idedemanda siya ni Jojo Mendez, tuloy ang buhay para sa kanya. 


Hindi ito nagbabanggit ng tungkol sa isyu at last na raw ‘yung pagsasalita at pakiusap na huwag siyang isama.


The day na lumabas ang balitang idedemanda siya, nag-post ito sa IG Stories niya ng TikTok video niya na sumasayaw at may “Mark Herras” na caption. Katabi nito ang isang nagsasayaw din na ang caption naman ay “Mark Rehas.”


Biniro kasi si Mark ng mga netizens na kapag nakulong siya ay magiging Mark Rehas na siya.


Nasa Instagram (IG) Story din ni Mark ang pagluluto niya ng breakfast for his family at masaya silang nagbe-breakfast na parang walang iniisip na problema.


Sa bagong post ni Mark, mapapanood ang asawang si Nicole Donesa at anak na si Corky nang makipag-bonding sila kina Vin Abrenica, Sophie Albert at ang panganay nito. 

Wala lang makapag-bash o makaaway kay Mark sa IG dahil limitado ang puwedeng mag-comment sa comment box nito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page