top of page

Naka-jackpot pa kay Julia… COCO, NAKINIG SA PAYO NI SEN. LITO KAYA YUMAMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 24, 2025



Lito Lapid at Coco Martin/ File circulated

Photo: Lito Lapid at Coco Martin/ File circulated



Dapat na pamarisan ng ibang sikat na artista si Coco Martin pagdating sa paghawak ng pera. 


Galing sa hirap ang aktor-direktor at alam niya kung gaano kahirap kumita ng pera. 

Lahat ng klaseng trabaho ay kanyang sinubukan upang makaraos lamang at matulungan ang kanyang pamilya.


Kaya nang mabigyan ng break at maisama sa pelikula, doon na nagsimula ang pagginhawa niya sa buhay. 


Sinamantala ni Coco ang lahat ng oportunidad na dumating. Dinoble niya ang sipag sa trabaho at pinakisamahan ang kanyang mga katrabaho sa pelikula.


Maraming natutunan si Coco Martin habang nagtatagal sa showbiz. Hindi siya naging bulagsak sa pera, hindi siya gumagastos sa mga luho lamang, bagkus ay nag-ipon siya para gawing puhunan sa negosyo at magpundar ng mga properties. 


Pinahahalagahan niya ang bawat sentimo na kanyang kinikita sa pag-aartista. Nakinig siya sa mga payo ng mga senior actors na nakatrabaho niya sa Batang Quiapo (BQ) tulad ni Sen. Lito Lapid. 


Ngayon ay masasabing financially stable na si Coco Martin at mabibigyan niya ng magandang future ang kanyang pamilya.


Patuloy ang paglago ng negosyo ni Coco, ngunit kailanman ay hindi niya ito ipinagyabang sa mga kasamahang artista. Tumutulong siya sa mga maliliit na movie workers na nangangailangan ng tulong. 


At suwerte si Coco Martin dahil ang partner niyang si Julia Montes ay masinop at business-minded din na tulad niya.



Hindi lang Guillermo Box Office Awards ang ‘di sinipot… KATHRYN, INISNAB ANG FAMAS AWARD



MARAMI ang nagtataka at nagtatanong kung bakit iniisnab na ngayon ni Kathryn Bernardo ang ilang award-giving bodies. 


Hindi sinipot ng aktres ang  Guillermo Mendoza Box Office Award kung saan sila ni Alden Richards ang hinirang na Box Office Queen at King.


Tanging ang aktor ang dumating at tumanggap ng award, isang bagay na tumatak sa mga netizens.


Noong 73rd FAMAS ay si Kathryn din ang itinanghal na Bida sa Takilya (Box Office Queen), pero hindi rin siya sumipot sa nasabing event. 


Kaya nagtatanong ang lahat kung ano kaya ang idadahilan ni Kathryn sa kanyang pang-iisnab sa FAMAS Awards. Hindi tuloy maiwasang isipin ng ilang netizens na nagbago na nga si Kathryn at dedma na sa mga awards na ibinibigay sa kanya.


Alam kaya ni Kath kung gaano kaimportante ang award sa isang artista? Hindi lahat ay binibigyan ng award at pagkilala ng mga award-giving bodies. Huwag balewalain ito dahil makakatulong ito sa kanilang career.



ISANG malaking karangalan para sa pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang pagpayag ng King of Talk na si Boy Abunda upang mag-host ng 37th Star Awards for TV na gaganapin ngayong Linggo sa VS Hotel sa QC. 


Makakasama ni Abunda sina Pops Fernandez, Robi Domingo, Gela Atayde at Elijah Canlas. 


Ang 37th Star Awards for TV ay ididirek ni Vivian Blancaflor.

Tinitiyak na dadalo ang mga recipients ng awards sa major categories, ganoon din ang mga special awards na ibibigay. 


Bukod sa trophy na ipagkakaloob sa mananalong Best Actress at Best Actor, may cash incentive din mula sa Bingo Plus. Bibigyan din ng cash prize ang mapipiling Best Female at Male Star of the Year.


Masayang-masaya naman ang cast ng Bubble Gang (BG) dahil sina Paolo Contis at Chariz Solomon ang nanalong Best Comedy Actor at Best Comedy Actress.

Congratulations!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page