top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Naka-graduate ng college dahil kay Herbert… "HE MAKES ME A BETTER PERSON" — RUFFA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 27, 2023



Ikinaloka nang bonggang-bongga ni Ruffa Gutierrez na ang idine-date ngayon ng ex-boyfriend niyang si Jordan Mouyal ay ang isa sa kanyang mga best friends.


Ito ay ibinunyag sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan guest niya ang aktres.


Nagbukas ng topic ang celebrity doctor at dito tinanong si Ruffa kung ano ang naramdaman niya tungkol doon.


Sey ni Dra. Vicki, “So, I know that your ex is dating one of your best friends and I know that girl and she’s really somebody close to you. You’re such a wonderful friend, by the way. So, how does that feel?”


Inamin ni Ruffa na talagang nagalit siya nu'ng una dahil nga kaibigan niya ito, kahit na nilinaw na niyang hindi ito ang dahilan ng kanilang hiwalayan.


“I left the person. I left him because I didn’t see a future with him. So, it’s very clear na wala naman siyang naging kasalanan sa akin. It’s just that I wasn’t growing anymore.”


“After 7 years, ‘di ba, it’s time for you to think na ‘Where is this relationship going? Is it still inspiring me to be the best person that I can be?’ I just didn’t know sasaluhin siya ng isa sa mga close friends ko,” pahayag ni Ruffa.


Alam naman ni Ruffa na pagkatapos ng hiwalayan, hindi magtatagal ay makikipag-date rin ang ex niya. 'Yun nga lang, hindi niya inaasahan na kaibigan pa niya ang ipinalit sa kanya.


“Alam ko naman, makikipag-date siya, eh. Alam ko naman ‘yun dahil pinakawalan ko nga, pero para i-date ng friend ko na malapit talaga sa‘kin, it’s more of the betrayal of friendship,” sey niya.


Na-realize rin daw niya na kaya sila naghiwalay ay dahil may mas karapat-dapat pala sa kanya na naghihintay.


“The reason why we didn’t get along to begin with is because may naghihintay para sa akin na bigay ni Lord,” diin pa niya.


Sa ngayon, masaya na raw siya sa buhay niya at sinabi nitong, I've moved on and thank you so much because I’m doing so well with my life.”


Inamin din ni Ruffa na meron na siyang special someone. Bagama’t hindi niya ito binanggit, halata naman na si Herbert Bautista ito.


“The person that I’m dating right now inspires me to be a better person. I've said it before and I’ll say it again, hindi ako nakapagtapos ng college kung hindi dahil sa kanya.


"Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’ Sabi ko, ‘Yeah, okay. I’ll just take up short course.’ Uso noong pandemic 'yung master class, three months, two months.


“I even took up Designs of Well-Being in Yale University, two weeks lang 'yun. And he said, ‘Hindi, tapusin mo 'yung college mo. Kaya mo 'yun.’


“Now, I’m studying again, kasi mahilig mag-aral itong taong ito. And now I am studying again, taking up my Master’s, so he’s leading me towards the right path,” tsika ni Ruffa tungkol sa kanyang love life.


“Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not, but what’s nice is he’s directing me to that path na kahit na alam kong kaya ko ba ito, ‘Kakayanin ko ba ito? Para sa akin ba ito?’


sabi niya, ‘Hindi, kaya mo 'yan.’ He makes me a better person, and I think that’s what I need now,” dagdag pa niya.


Matatandaang noon pa naman sinasabi ni Ruffa na si Bistek ang talagang nagpumilit sa kanya na bumalik sa pag-aaral.


Pero ang isang malaking tanong, sino kaya ang best friend ni Ruffa na GF ngayon ng ex-BF niya?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page