top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Naka-engraved na sa singsing… DEC. 2, 2021, BEACH WEDDING NINA LUIS AT JESSY

  • BULGAR
  • Apr 8, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | April 8, 2021




Idinispley ni Jessy Mendiola sa kanyang Instagram account ang engagement ring at ang wedding band na ginamit sa kasal nila ni Luis Manzano sa The Farm.


Knows na natin ang "history" ng engagement ring ni Jessy. Kulang na lang ay magkaroon ng sariling "teleserye" ang singsing na 'yan.



And so, this time, ang napakagandang wedding band ni Jessy naman ang inurirat ng mga netizens. Totally different kasi ito sa wedding band ni Luis.


May netizen ang nag-comment sa Instagram post ni Jessy na picture ng mga singsing nila ni Luis in connection sa 'di pagkakapareho nito.


"'Pag 'di raw the same ang wedding band, 'di magla-last forever ang marriage," sabi ng may account name na lecakum.


Feeling namin, kaya siguro wedding band at hindi wedding ring ang tawag ng newlyweds sa singsing nila ay dahil 'di nga magkapareho.


Nakaugalian na kasi ng mga Pinoy na dapat ay pareho ang wedding ring. Or hindi man magkaparehung-magkapareho, eh, angat pa rin ang mga pagkakahawig nila.


Sa true lang, ang daming eme (sey) ng mga netizens sa mga singsing nina Jessy and Luis sa comment section. Pero marami naman ang natuwa, pumuri, na-inspire, nainggit at namangha sa mga singsing.


Pinasalamatan ni Jessy sa kanyang caption ang gumawa ng mga singsing at may "take a look" pa siya sa mga netizens sa naka-engrave sa loob nito.


"All of our rings were made by @maniladiamondstudio. They pitched the idea of adding pink diamonds on my wedding band. Thank you @maniladiamondstudio for coming up with a beautiful design that would complement my engagement ring. Can you see the engraving?" pa-take note ni Jessy.


Napansin naman agad ng mga netizens ang naka-engrave na letters and numbers sa loob ng singsing, ang "Matthew 19:6" at "12-2-21."


Ang Matthew 19:6 ay isang verse sa Holy Bible na ang laman ng mensahe ay: “So they are no longer two, but one flesh. Therefore what God has joined together, let no one separate.”


Habang ang "12-2-21" ay pinagtalunan ng mga netizens kung ano ang ibig ipahiwatig.


"Bible passage & wedding date ang naka-engraved."


"I thought Feb. 21 kayo ikinasal."


"Baka 'yan ang date ng bonggang kasal."


Aba, puwede, ha? Ang "12-2-21" can be interpreted as December 2, 2021.


Mismong sina Luis at Jessy ang nag-confirm na ang kanilang "full wedding" ay gagawin sa December sa Palawan.


And "2" kasi ang birthday ni Jessy ay December 3, para isahang celebration na rin 'yan every year, 'di ba?


Speaking of celebration, today is Luis' 40th birthday. Tiyak na magiging very memorable ang kaarawan niya this year. Ito ang unang birthday ni Luis sa bagong journey ng buhay niya as a married man.


Wonder what will be his birthday wish? Baka baby na nila ni Jessy.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page