Search
  • BULGAR

Naka-bonding sa bahay ng ex mo, Andrea… ELLEN, CLOSE NA AGAD SA DADDY NI DEREK

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 13, 2021




Ang daming nagulantang sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez last Monday kung saan ay makikitang nagkakatuwaan sila nina Derek Ramsay, Ellen Adarna, John Estrada and some friends sa isang dinner party.


What’s surprising (and interesting, sabi nga ni Ruffa) ay ang sweet moments nina Ellen and Derek na parang may namumuong something sa kanila.


Nag-post si Ruffa ng larawan nilang tatlo nina Derek and Ellen na kuha sa bagong bahay ng aktor dahil kasama rin sa larawan ang aso nitong si Skye.


“Hanging out with my super fun neighbors @ramsayderek07 @maria.elena.adarna and Skye,” ang caption ni Ruffa.


Sinundan pa niya ito ng mga clips and photos sa kanyang Instagram Story.


Sa isang larawan ay makikitang intense na nagtititigan sina Derek at Ellen at caption ni Ruffa, “Walang malisya @ramsayderek07 @maria.elena.adarna.”


Sa isang short video naman ay makikitang nagkakasayahan na ang grupo at tawa nang tawa si Ellen habang nasa tabi niya si Derek. Caption naman ni Ruffa rito, “This will be a very interesting evening…”


Sa isang video ay makikita na sa grupo si John Estrada na co-star ni Ellen sa bagong sitcom ng TV5. Naroroon din ang tatay ni Derek at iba pang mga kaibigan nila. They were all having fun.


Sa isang larawan ay nagpasalamat din si Ruffa kay Derek for hosting the dinner.


In one video ay makikitang nagkakantahan ang grupo at sayaw nang sayaw si Ellen.


May larawan din na magkasama si Ellen at ang tatay ni Derek. Caption naman ni Ruffa, “Close na sila Daddy Derek & @maria.elena.adarna.”


Sa isang video ay makikita namang naghaharutan o naglalambingan sina Derek and Ellen at may moment pa na kinikiliti ng aktres ang aktor. “LOL (laughing out loud)” naman ang caption ni Ruffa.


May video rin na nagsasayaw sina Ellen at John at sa caption, Ruffa wrote, “Life goes on. BTS. Interesting view all night.”


Aliw na aliw kami sa mga comments ng mga netizens sa page ni Ruffa. Pinuna kasi nila ang iisang tipo nina John Lloyd Cruz at Derek sa babae, gayundin ang tipo naman nina Ellen at Angelica Panganiban sa lalaki.


As everybody knows, dating magkarelasyon sina Angelica and Derek, gayundin sina Angelica at Lloydie.


Nang mag-break sina Angelica at Lloydie ay si Ellen na nga ang nakarelasyon ng aktor.


Kaya kung true na may namumuong relasyon kina Derek and Ellen ngayon, para lang silang nagririgodon na apat.


Interestingly, naging GF din ni Lloydie si Ruffa.


Well, abangan na lang natin ang next chapter pero for sure, simula na ito ng pagkaka-link nina Derek at Ellen.


As we all know, kabe-break lang ni Derek sa Kapuso actress na si Andrea Torres last November.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.