Naka-1 M views na mahigit…BARBIE, INILABAS NA SA YOUTUBE ANG BAGONG 'BABY' KAPALIT NI DIEGO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 26, 2022

Finally ay inilabas na at buong-pagmamalaking ipinakilala ng sexy actress na si Barbie Imperial ang tinutukoy niyang bagong ‘baby.’
Sa pinag-uusapan at nag-viral niyang endorsement video sa Facebook, YouTube at iba pang social media platforms hinggil sa WIFI (Walang Iwanan sa Free Internet) Partylist, nalaman ng publiko na si Barbie pala ang napiling endorser ng partidong naglalayong lutasin ang mga isyu ukol sa internet connectivity, mabigyan ng free access ang publiko at masolusyunan ang iba pang kaugnay na isyu sa teknolohiyang nabanggit.
Ipinagmamalaki rin ng seksing aktres na sa kanyang "new-found love" na WIFI Partylist ay mas titingkad hindi lamang ang komunikasyon niya sa kanyang mga fans at supporters kundi posible pang mapaunlad niya lalo ang kanyang sining sa showbiz at mga gawain sa labas nito.
Bilang aktres at role model ng mga kabataang aktibo sa social media, nagpapatunay lamang na ang pag-viral niya at ng kanyang bagong ‘love’ na WIFI Partylist (meron nang mahigit 1 million shares sa FB, as of this writing) ay mabisa at mabilis na paraan upang maabot ang mas nakararaming Pinoy sa loob at labas ng bansa.
Well, dahil nasa WIFI tropa na si Barbie ngayon, makakasiguro tayong mas maaalagaan ng dalaga ang sinasabi niyang bagong "baby at love" niya.





Comments