Naisahan na ng ex-BF… RAYVER, TODO-PRAMIS NA NEVER LOLOKOHIN SI JULIE ANNE
ni Nitz Miralles @Bida | July 17, 2023

Streaming na ang Mahika, ang OST ng pelikulang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Hindi ang mga bida ng movie ang kumanta ng naturang official theme song kundi sina Adie at Janine Berdin.
Palaisipan sa mga fans ni Julie ang inamin nito sa 24-Oras na nakaranas siya ng cheating mula sa isang past relationship. Sino raw ba ang ex ni Julie na nag-cheat sa kanya, eh, isa lang ang alam nilang naging ex ng singer-actress?
Kaya raw naka-relate siya sa role at karakter niyang si Hope sa The Cheating Game dahil naranasan niya ito at ang maganda, nagbigay ‘yun ng importanteng lesson sa kanya at kung paano harapin ang ganitong isyu.
“Yes. But it happens and it’s part of life. Ang importante naman diyan is ‘wag kang magdu-dwell doon sa action na ‘yun or like sa consequences ng action na ‘yun. Mas importante ang matuto ka sa nangyari at mag-move on,” ani Julie.

Hindi pa rin makapaniwala si Julie na ipapalabas na ang first movie nila ni Rayver under GMA Public Affairs and GMA Pictures, kaya excited sila at thankful sa chance na maipakita na nila ang kanilang ibang sides.
With Rayver, hindi na uli masasaktan ang puso ni Julie dahil paulit-ulit na sinasabi ng aktor na hindi niya sasaktan ang girlfriend at mahal na mahal niya ito.
Susme, pati nga sa Instagram, naglalambingan ang dalawa at mababasa ang post ni Rayver na, “My forever crush” na sinagot ni Julie ng, “My love”.
But wait… there’s more dahil tuluy-tuloy ang lambingan at pakilig sa mga fans ng magdyowa dahil nag-comment pa si Rayver na, “Fresh always” sa picture ni Julie na sinagot naman niya ng, “Sweet always.”
Maging sa trailer ng kanilang movie ay todo-puri ang dalawa sa isa’t isa. Ang sey nga ni Rayver kay Julie, “Galing mo talaga always” at ang sagot naman niya sa boyfriend, “Ikaw din po, idol kita.”





Comments