Naisahan daw ni direk… BARON, NAGBUYANGYANG NA, NAKIPAGTIKIMAN PA SA EDAD NA 40
- BULGAR
- May 27, 2022
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 27, 2022

“Naisahan po ako ni Direk Brillante (Mendoza). ‘Langya ka,” birong sabi ni Baron Geisler sa producer nila sa pelikulang Pusoy na ipapalabas sa Vivamax sa Mayo 27, Biyernes.
Nakatsikahan si Baron ng ilang media/vloggers sa ginanap na private screening ng pelikulang Pusoy na idinirek ng Amerikanong si Phil Giordano.
Hindi kasi ini-expect ni Baron na sa edad niyang 40 ay saka pa siya magpapakita ng hubad niyang katawan at nakikipag-love scene kay Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee gamit ang mga belt na panghampas, bolang maliit at iba pa.
At inamin din ng aktor na dahil sa mga eksena nila ni Janelle sa Pusoy kaya sila nagkaroon ng problema ng wife niyang si Gng. Jamie Evangelista-Geisler.
“Opo, ito po ‘yun, pero kung mapapanood n’yo, kasama po siya sa movie, umekstra po siya sa movie and aware naman po siya and she’s in Turkey right now, vacation with her friends and next month, I'll be seeing her, we’re okay, all is good,” pahayag ng premyadong aktor.
Ipinagtapat din ni Baron na nu’ng tanggapin niya ang Pusoy ay hindi niya alam ang kuwento dahil wala namang ibinigay na script sa kanya si Direk Brillante.
“Ganito po kasi ‘yan, tinawagan po ako ni Direk Brillante, ‘Baron, may gagawin kang pelikula, ha? Maganda ‘yung role, kasama mo si Vince (Rillon), kayong dalawa ang bida rito. Ikaw ang kontrabida,’" kuwento ni Baron.
Sagot naman daw niya kay Direk Brillante, "Yes, direk! Sige po.”
At sinabihan nga raw siya na mag-meeting na nga sila ni Ms. June Rufino ng Viva Films.
“Next day, nag-meeting na kami. Sabi niya (Direk Brillante), ‘O, maganda ang mga eksena rito, ha? O, ‘wag kang iinom, ha?'
“Tapos, biglang pagdating na ru’n (set), ‘Baron, mag-plaster ka na (sabi ni Direk Brillante).'
"Nagulat ako, 'Ho?' 'May pitong sexy scenes ka rito’ (sabi ulit ni direk).
“So, pinanindigan ko na lang kasi naniniwala ako kay Direk Phil at saka kay Direk Brillante na hindi ako makahindi bilang (siya ang) producer at hindi lang pang-Vivamax ito, maaaring pang-ibang bansa. So, grateful. Pero naisahan po ako ni Direk. 'Langya ka (sabay turo kay Direk Brillante),” nakatawang sabi ng aktor.
Anyway, bukod kasi sa napapayag siyang maghubad sa edad na 40 ay napapayag din siyang gumawa ng iba’t ibang posisyon sa pakikipagtalik kina Janelle at Angeli Khang.
Natatawang sabi ni Baron, “Sana, hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scenes ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat.
“Mas maraming laman na ipinakita. Good luck sa asawa ko! I think nag-improve. Kung makikita n'yo naman po, hindi naman nakabulatlat. Tastefully done pa rin naman.
“Of course, nandoon pa rin 'yung tema ng Vivamax, pero tastefully done. My first time to wear nothing. Mabuti na lang, nandoon si Direk Brillante para i-guide kami sa mga sexy scenes.”
Sa husay na aktor ni Baron ay umamin siya sa unang pagkakataon na nahirapan siyang gawin ang love scenes.
“It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes. And sa lahat ng mga eksena, 'yung love scenes talaga 'yung pinakamahirap gawin kesa sa barilan at takbuhan. Akala n'yo, nag-e-enjoy kami, nanginginig kami. Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva na hindi po pumasok sa Pornhub,” pagtatapat nito.
Isa pang inamin ni Baron ay ‘yung isinubo nito ang daliri sa paa ni Janelle.
“Hindi nga po nag-alcohol ng paa (si Janelle). Hahahaha! 'Pag-ganu’n ko, may sabit! Hindi nagka-cut si Direk (Phil) kaya itinuluy-tuloy ko na lang!” tawa nang tawang sabi ng aktor kaya natawa rin nang husto si Janelle.
Wala raw kasing script ang Pusoy, nakatago lang, kaya hindi nila alam kung ano ang gagawin, bahala na silang mag-adlib.
Abangan ang mga kakaibang love scenes nina Baron, Janelle at Angeli sa Pusoy, pero siyempre, hindi naman nagpahuli ang daring scenes din nina Vince at Jela Cuenca na talagang may top shot pa.
Kasama rin sa pelikula sina Racquel Montesa at Julio Diaz.




Comments