Nainsulto, todo-patol… NETIZEN KAY SUNSHINE: MASYONDA NA, FEELING BAGETS PA PUMORMA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 18, 2022

Umalma si Sunshine Cruz sa panlalait sa kanya ng isang basher na nagsabing ang tanda na niya pero parang teen-ager pang pumorma.
“Aywan, katanda na, ang attire, parang teen-ager,” ang saktong komento ng basher.
Hindi ito pinalampas ni Sunshine at magalang naman niya itong sinagot.
“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy and confident, go lang po! Walang bawal at masama,” depensa ni Shine.
Bukod dito ay nag-shout-out din si Shine sa kanyang Facebook account ng payo para sa mga kababaihan tungkol sa kasuotan at hindi raw dapat pairalin ang inggitan.
“Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.
“WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL, ENVIOUS OF ONE ANOTHER.
"Good afternoon everyone!” ang shout-out ni Sunshine.





Comments